3 bilyong pondo ng RH bill na taon taon lalaki pa ng 15 % para sa pagbili ng condom at mga pills.. solusyon daw ito para pigilan ang kahirapan at mga namamatay daw na sanggol at ina dahil sa panganganak.. Kahirapan pala ang problema bakit indi trabaho at produksyon sa pagkain ang ibigay sa taong bayan, madami palang namamatay na ina at sanggol sa panganaganak bakit di pagbutihin ang health services.. Pag ba may RH bill na , indi na ba maghihirap ang taong bayan at wala ng mamatay sa panganganak? Ano ba yan Pilipinas kong mahal? Bakit indi ibukas ang isipan at ng makita ang tunay na suliranin ng bayan. Kelan pa naging solusyon ang condom at pills sa kahirapan ng mamamayan na gagastusan naman ng 3 bilyon, ay sus malaki siguro ang porsyento ninyo mga nagsusulong ng butas este batas ......
Halos 3 taon na ang nakararaan, Dati akong chairman ng Family and Life sa Parokya ng Tatlong Hari sa Gapan City at pinalad ako na makadalo ng ibat ibang seminars para sa pagtatanggol ng buhay.. Ito ang dahilan kung bakit ako naging advocate ng PRO-LIFE..Nakita ko na isa ako sa pinili ng Diyos mula sa nakararami na maging instrumento para sa pagtatanggol ng buhay. Pinakita samin doon ang kahalagahan ng isang sanggol na syang magdadala ng bagong henerasyon, ang kinabukasan ng bayan..Nakasama ako sa ika - 40 anibersaryo ng pagdiriwang ng Humanae Vitae kung saan naging delagates kami ng Diocese of Cabanatuan sa isang prayer rally na ginanap sa UST Mla.. Isang di maipaliwanag na karanasan ang aking naramdaman sa tagpuing iyon sa Maynila kung saan libo libong tao na imay bat ibang aspeto ng mukha ng buhay ang naroon para sa iisang mithiin.. ang ipagtanggol ang buhay laban sa lahat ng uri ng aborsyon at mga katulad nito..
Tandang tanda ko pa, unang beses na natuwa ako kay Manny Pacquiao bukod sa napakaganda nyang laban kay Ricky Hatton ay yung pagsama samin ni Pacman sa prayer rally sa UST sa pakikipaglaban against the use of contraceptives.. Sabi nya kung uminom ng pills ang Nanay nya o kaya ay nagkontrol ang magulang nya ng pagbubuntis at natapat na sya pala ang sanggol na yun ay wala sanang pambansang kamao ang Pilipinas. Wala sanang pacman na makikilala at hahangaan ang galing ng pinoy sa buong mundo..Sino nga ba ang makakatatalos ng magiging kapalaran ng mga sanggol na isisilang sa hinaharap?..Pano kung ang sanggol na pinagkaitan ng buhay ang sya palang magiging isang tunay at magiting na Pilipino na magseserbisyo ng tapat sa bayan at tunay na Pilipinong marangal, may dignidad at diwang makabansa?
Ano nga ba itong nakapaloob sa RH bill na ito at sobrang ang kukulit ang mga nagsusulong nito.Sukdulang itiwalag sila ng simbahan hahaha!!. ( Mga kampon ng... ) Magiging legal lang naman at libre ang supply ng mga contraceptives, magmula sa condom, pills, mga lahat ng uri ng pagpapatali ng mga ina para di na magkaanak at sex education para sa mga mag aaral...Isipin nyo na lang ha, sabi Ni Pnoy deficit ang budget, ang Dep Ed nga napakaraming kailangan at lahat na ng ahensya ng pamahalaan pero bakit itong RH bill na ito ay gatil na gatil silang pondohan? ng napakalaking halaga ha? Hala !! Sino kaya ang may ari ng laboratoryong pagkukunan ng supply ng pills at condom hahahaha!! Instant yaman na naman ang mga unggoy sa kagubatan ng kongreso.. ay meron nga rin pala sa senado, ay naku truly mukha syang inahing matsing.. Eh teka nga, bakit ba kami kumukontra sa mga contraceptives na yan? Eh kasi po kasama sa napakahaba naming seminar ang lahat ng epekto ng pills, IUD, injections etcetera..Ang mga contraceptives na ito lalo na ang pills ay tinatawag na abortifacient.. Ibig sabihin sila ang sangkap na nagiging dahilan ng pagkalaglag ng sanggol.. Akala lang ng iba kapag nag pills sila ay indi na sila magbubuntis.. Mali yun mga kumare. Magbubuntis ka pa rin kasi nagtatabi pa rin kayo ni kumpare kundangan nga lang dahil sa pinakamamahal nyong pills na yan ay indi matutuloy ang ang paglaki ng sanggol.. Eh saan napunta ang sanggol? Nalaglag po.. Ang buhay ay nagsisimula sa pagsasanib ng sperm cell mula sa ama at ng egg cell mula sa ina.. Ang pagsasanib ay nagaganap sa fallopian tube, ito yung tubo na nakakonekta sa obaryo at matris.. Pagkaraaang magkaroon ng cell division at maging ganap na zygote, ang fertilize egg ay mananaog na sa matris upang dun palakihin... kaso umentra si pills, inalisan nya ng kakayahan si matris na mapaghandaan ang pagdating ni baby, kaya ang pobreng zygote na ganap ng may buhay ay walang pagsasapnan kaya sya ay malalaglag, na aakalain ng ina na isa lamang regla.... Walang kamalay malay ang isang ina na gumagamit ng pills na daan daan ng baby ang kanyang nailalaglag sa sobrang tagal ng paggamit nito. DOOn sa seminar tinalakay rin samin ng mga eksperto ang mga sakit na dulot ng pag gamit ng pills. Wag maging pinid ang ating mga mata na kaya maraming kaso ng breast cancer, ovarian, uterine cancer ay dahil sa talamak na pag gamit ng pills..Kasama rin sa mga side effects ang pagkakaroon ng hypertension, migraine at mga liver problem. Bakit nga araw araw kang iinom nito at sasalain ng atay mo ang sangkap ng pills na ito, ang mga hormone na ito ay tumitining sa reproductive organs at nagiging sanhi ng mga bukol.... Naalala ko tuloy bigla nung magbigay ng exam sa seminar at ako ang nakakuha ng pinakamataas na score ay napagkamalan ako isang nurse.. Kaya raw marami akong alam tungkol dito, subalit ako po ay isang guro at kasama sa aking lessons ang reproductive system at isa ito sa naipanalo ko sa contest ng pag gawa ng power point presentation sa Science.. Anyways.. Salamat na lang sa Ninang kong obgyne, na nung araw na bago bago pa lang ako may asawa at nagtanong ng pills ay indi nyako binigyan.. Dahil low blood pressure ako lagi, nagkakaroon ako ng mga nodes sa kilikili pag may mens, ito pala ay maaring mauwi sa mga bukol na pwedeng kahantungan ng cancer.. Kung nagkataon baka deadbol nako ngayon, wala ng adik sa FB hahaha!! ITUTULOY.. INAANTOK NAKO HANGGANG SA MULI...
THESE ARE SOME OF THE REASONS TOO WHY WE ARE A BIG NO TO RH BILL
THESE ARE SOME OF THE REASONS TOO WHY WE ARE A BIG NO TO RH BILL
ovc.blogspot.com
No comments:
Post a Comment