Masarap mangarap na mag trabaho sa ibang bansa lalo na dito sa Canada.Pangarap makakita ng snow,makatanggap ng malaking sweldo,makahalubilo ang mga puti at makakita ng kakaibang kapaligiran.Ang lahat ay dininig ng Dios para sa aking pangarap.Sa unang araw ng aking pagdating, andun ang excitement,di makapaniwala na daang libong milya na ang layo ko sa aking lupang sinilangan.Kahit na umuusok ang hininga sa sobrang lamig ay masaya pa din sa umpisa ng katuparan ng pangarap.Dumaan ang mga araw,unti unting nakikita ang kahalagahan ng pamilya, ang sarap nang mabuhay sa sariling bayan,wala naman akong problema subalit andun ang lungkot sa aking puso kapag akoy nag iisa na.Salamat sa internet at may webcam na nagagamit,salamat sa facebook kung saan andun ang mga kaibigan at kamag anak na nakakachat,salamat sa mga pictures na nakikita sa fb na para bagang andun ka din ng mangyari yun. Umabot ang 2 buwan at kalahati sa ganung takbo ng aking buhay.Trabaho sa araw,internet sa buong magdamag lalo na sa mga gabing indi makatulog.Isang umaga ako'y nakatanggap ng isang sorpresa para sa aking kaarawan.Ang aking boss na binigay ng Dios na sobrang bait ay binigyan ako ng round trip ticket para makauwi sa Pilipinas at magbakasyon sa loob ng 3 linggo. Isang di kapanipaniwalang bagay ang regalo ng Dios sa akin na napakaaga kong makakabalik sa pinanabikang bayan. Saan ka naman nakakita ng nagtrabaho sa Canada ng dalawang buwan pa lamang ay meron na agad libreng bakasyon at with pay pa..Lubos ang aking pasasalamat sa grasya ng Dios, talagang super galing ni Lord. Yung imposible nagiging posible sa kanya. Kaya nga minsan hindi tayo dapat malungkot dahil madaming sorpresa ang Dios para satin kahit mahirap paniwalaan pwedeng mangyari kapag naayon sa kalooban ng Dios .Natapos ang aking bakasyon na andun ang saya at muli kong nakasama ang aking pinakamamahal na pamilya ,mga kaibigan at mga kasamahan sa trabaho at sa simbahan. Nakadalo sa maraming pagtitipon at masasayang okasyon, higit sa lahat nakapunta sa simbahang pinaglilingkuran. Ngayong andito nakong muli, ang lahat ay kakayanin dahil alam kong marami pang sorpresa ang ibibgay sakin ng Dios. Thank you Lord for this amazing grace..
 ·  · Share · Delete

    • Angelo Divina Manahan isang nakakapanindig balahibong karanasan na nanggaling sa walang sawang namamatnubay na Panginoon at walang sawang nagbibigay ng biyaya sa ating lahat. Salamat, Panginoon...
      April 25, 2010 at 11:18am · 

    • Ellen PadreJuan DelaCruz yes,that's true,have you seen our pictures??di ko na upload yung wake ni ninia kasi malulungkot lang ako pag nakita ko dito yun.It's time for us to move on after her 40th death day
      April 25, 2010 at 8:16pm · 

    • Odie Santiago There's no chance/coincidence in God. Everything is according to His plan for His people but it requires deep faith: a different eye, a different heart, a different mind that believes and hopes and sees. God blessed you with that faith and He will richly bless you and your family even more, not the blessings or the "suwerte" that common tao always think of.Brace yourself for more surprises!
      April 25, 2010 at 11:18pm · 

    • Ellen PadreJuan DelaCruz 
      kanina alam mo ba kung saang church ako napunta,hinayaan ko lang na i guide ako ni Lord,its the south view christian alliance church,kasi si aurea busy kahit wk end and no one will drive me to catholic church and my boss invited me to join with them this morning and to my surprised they have the same pattern with Couples for Christ's praise and worship and same with the talk we had which is faith and marriage.Same feeling as my heart was overwhelming in praising God especially through glory songs.It's God's will na makapunta ko dun kasi lam nya na isa ito sa hinahanap ng aking puso.

      April 25, 2010 at 11:33pm · 

    • Imelda Rueda alam u marami talagang ways c LORD pra malaman ntn n andyan lng sya.bsta always pray!
      July 18, 2010 at 4:02am · 

    • Ellen PadreJuan DelaCruz thanks,so glad to see you here in FB
      July 18, 2010 at 4:05am · 

    • Ghraze Bucad gnda amn poe nyn!xufer love nio poe tlga c god...... ingat nlng poe qeu prti!
      August 7, 2010 at 1:41am · 

    • Ellen PadreJuan DelaCruz thank u grace,sana lahat ng tinuro ko syo sa school at sa simbahan ay patuloy mong palaguin sa iyong paglaki.
      August 7, 2010 at 2:03am ·