Life begins at 40, Mga katagang madalas kong madinig pero ano nga ba ang tunay nitong kahulugan? Kalimitan naririnig ko ito mula sa mga biruan,lalo na ng mga kalalakihan.. Para bang, kakambal na ang mga katagang ito pag ang lalaki ay sumampa ang edad sa kwarenta at medyo nag-iba ng kaunti ang takbo ng buhay o mas tamang sabihin natin na parang naliligaw ng landas. Natatandaan ko pa, mga 3 taon na ang nakararaan ,may grupo kami ng mga kaeskwelang lalaki ang nagkita-kita pagkatapos ng maraming taon ng pagkakahiwalay,at aking naisipang itanong sa bawat isa kung ano ang pakahulugan nila sa katagang life begins at 40. Kung ito ba ay totoo para sa kanila? Ang sabi ng isa, ito yung panahon kung saan parang pakiramdam nya nagbalik sya sa pagbibinata kung saan, sya ay "blooming' at feeling teen- ager" daw ! Sabi naman ng isa,ito yung time na nagka crush sya ulit sa ibang babae ,matagal mag ayos sa salamin at nagpapa cute sa mga girls!! Sabi nung isa,pag sampa nya ng edad kwarenta parang lagi syang masaya,active at agresibo... Nauwi ang aming masarap na kwentuhan sa masayang tawanan!! Naisip ko siguro nga totoo, na ang mga male hormones ay nagiging aktibo ulit sa pangalawang pagkakataon, pag ang lalaki ay dumating na sa edad na kwarenta. Katulad ng pagiging aktibo nito sa panahon ng pagbibinatilyo kaya't parehas ang epekto nito sa kanilang kaisipan at damdamin!!! Pagkatapos ako naman ang kanilang binalingan kung ano ang aking opinyon sa katagang life begins at 40. Ito ang naisipan kong isagot " for me, life begins at birth at sinabayan ko ng malakas na tawa.... isang biro para sakin pero may malalim na kahulugan, at hanggang ngayon aking iniisip , kung kelan nga ba nagsimula ang buhay? Isang buhay na may kahulugan? Isang buhay na punong puno ng buhay? Ito ba ay nung panahon ng ating musmos na kabataan kung saan tayo ay masasabing malinis at inosente pa sa maraming bagay?... Noon bang panahon ng ating pagdadalaga at pagbibinata kung saan ay nagsimulang matutong umibig ang ating mga puso? O sa panahon ng pagiging isang magulang, kung saan ay punong puno tayo ng pagsubok at kung paano babatahin ang buhay na di natin talos ang magiging kinabukasan at kahihinatnan...Indi kaya ang katagang Life begins at 40 ay ang panahon ng pangalawang yugto ng ating buhay.. Ang buhay na dapat ay diretso na at alam na ang patutunguhan? Indi kaya ang pagsampa natin ng edad na kwarenta ay dapat na matured na tayo para malaman ang mga dapat pahalagahan sa buhay? Kung alin ang mas dapat unahin at bigyan ng prioridad? Indi kaya sa panahon na ito, dapat ay matatag na tayo sa lahat ng pagsubok sapagkat napagdaanan na natin ang unang yugto ng buhay kung saan dapat ay natuto na tayo mula sa mga pagkakamaling nagawa sa ating nakaraan? Ang buhay ay punong puno ng pakikibaka ,sa pagtuntong natin sa edad na kwarenta, marami na tayong dapat baguhin at bigyan ng pansin... Isa isahin natin: Ang ating pamilya, na sya nating inspirasyon kung kaya't patuloy tayong nagsusumikap at nangagarap para sa buhay na ito... Ang ating kalusugan na sa pagdating ng edad na 40 ay dapat ng lalong bigyang pansin,alisin na lahat ang bisyong magpapahina sa ating katawan at maglulugmok satin sa sakit... Ang ating hanapbuhay bilang paghahanda sa ating pagreretiro at katandaan....Ang ating mga kaibigan , magulang at kapatid na dapat nating alalahanin sapagkat indi natin batid kung kailan at hanggang kelan pa natin sila makakapiling, at higit sa lahat ang pagkilala sa Dios na huli nating hantungan.. Ang Dios na walang sawang gumabay sa atin at nagbigay ng lakas upang umabot tayo sa ikalawang yugto ng buhay.. Ito ang panahon ng pagbabalik loob sa Dios..Madaming tao ang indi na umabot sa edad na 40 at nilisan ang mundong ito... Tayo na andito pa hanggang ngayon ay nararapat lamang na magpakatalino at pahalagahan ang edad na 40 na ikalawang yugto ng buhay,ang buhay na dapat ay puno ng buhay,isang buhay na makulay, isang buhay na may pagkilala sa moral at espiritual na pangangailangan, may pagpapahalaga sa dignidad, may pagmamahal sa kapwa at lalot higit sa Amang Diyos na dakila...Ikinatatakot ko na baka tayo ay mahuli...Baka mamaya maiba na ang kataga na life begins at 40... baka mamaya mangyaring life ends at 40... Indi pa huli ang lahat para syo na nasa edad na ito, simulan mo na ngayon ang buhay na ganap at kasiya siya....nasa iyong kamay ang pagpili at pagbabago!!!
No comments:
Post a Comment