Tuesday, July 5, 2011

My personal testimony On Pope John Paul II

Limang taon na ang nakalilipas, sa isang kwarto sa Good Samaritan Hospital sa Gapan City kung saan ay naka confine na ng ilang araw ang aking palaking alaga na si Mark John Paul dela Cruz, ay abalang abala ang mga nurse sa pagkuha maya't maya ng kanyang vital signs..Mugtong mugto na ang mata ko sa kakaiyak, wala nakong lakas para umasa pa sa isang panibagong buhay. Isang taon na kami sa hospital, milyon na nauubos para sa pagpapagamot sa batang aking pinalaki ng labinlimang taon ,na sa kasamaang palad ay dinapuan ng bone cancer..Kinausap ako ng doctor ng araw na yun na kapag bumagsak na ang mga vital signs nya dahil sa impeksion mula sa chemotherapy ay maaring yun na ang hudyat na sya ay panawan na ng buhay.. Nag over seas call ako sa  kanyang ina . Akin syang pinauuwi na sa lalong madaling panahon at baka indi na abutang buhay ang kanyang anak.Iyak ako ng iyak sa telepono at sinsabi ng ina ni Mark na bakit ka umiiyak ng ganyan eh sayo lang kami kumukuha ng lakas..Sabi ko sa kanya,wala na tayong laban kasi bagsak na lahat vital signs nya, wala ng lakas ang kanyang katawan upang lumaban pa..Sa indi sinasadya pangyayari, nakakita ako ng isang pahina ng dyaryo at naroon ang larawan ni Pope John Paul II, bigla kong naalala na sa kanya kinuha ang pangalan ni Mark John Paul at nagkaroon ako ng interest na basahin ang nakalathala tungkol sa kanya. Nakasaad doon na ang butihing Papa ay nagpapakita ng milagro sa mga may sakit na nagdarasal sa kanya.Na ang isang may cancer na nagpunta sa kanyang libingan at nanalangin ay gumaling. Ang isa naman na nakakuha ng litrato nya nuong nabubuhay pa sya ay syang dinasalan at gumaling din.. Dahil doon bigla akong nagkaroon ng pag asa, ginupit ko ang malaking larawan ng Papa at ipinakat ko sa dingding ng hospital malapit s ulunan ng kama na kung saan ay madaling makikita ni Mark John Paul pagdilat nya ng mata...Nagdasal ako ng taimtim na sana ay madugtungan pa ang buhay ni Mark, na sana ay mahintay pa nya ang pagdating ng kanyang ina na ilang taon na nyang indi nakikita sapagkat nagtatrabaho dito sa Canada upang matustusan ang kanyang pagpapagamot.. Ang  Blood pressure nya ay 50/40, ang temperature nya ay 41, mahina ang pintig ng pulso. bagsak ang hemoglobin.Napakataas ng impeksyon..Kinausap kong mabuti si Mark at pray over ko sya sapagkat yun na lang ang alam kong tangi kong magagawa sa oras na yun, nagdasal kaming dalawa  ng mataimtim kasabay ng walang katapusang pag agos ng aking mga luha..Malakas ang aking dasal,pilit akong sumasamo sa Dios sa tulong ng santo Papa na pahabain pa ang buhay ni Mark. Kaming dalawa lamang sa kwarto ng oras na yun at noon ay madaling araw na..Pinauwi ko ang aking asawa upang sunduin ang iba pang miyembro ng pamilya sapagkat natatakot ako na sya ay pumanaw sa oras na yun na wala silang lahat.. Pagkatapos nuon sya ay aking pinunasan si Mark ng malamig na bimpo ng paulit ulit. Pagkaraan ng ilang saglit ako na ang kumuha ng mga vital signs nya at labis akong natuwa sapagkat bumalik lahat sa normal. Humupa ang mataas na lagnat, nagnormal ang blood pressure nya at nawala ang lahat ng sakit na nararamdaman nya. Tunay na isang himala para sa akin ang lahat ng nangyari..Nang dumating ang lahat ng miyembro ng pamilya ay maayos na sya, at sinasabi ng mga nurse na akala nila talagang bibigay na si Mark kagabi.Doon ko napatunayan na may kakaiba sa Santo Papa Juan Pablo Ikalawa. Sinabi ko sa aking sarili , darating ang araw na sya ay magiging santo, makikilala ng marami ang kanyang pagiging kakaiba. Kaya ng malaman ko ang kanyang beatification upang maging isang banal ay naiyak ako sa tuwa. Hindi nagkabula ang aking sinabi sapagkat tunay kong naramdaman sa aking sarili ang pagkilos ng Santo Papa para maipaabot sa Dios ang aking kahilingan..Nakauwi ang ina ni Mark at silay nagkita, nagsama pa ng ilang buwan at pagkatapos noon ay payapang sumakabilang buhay si Mark taglay ang matibay na pananampalataya sa Dios na sya nyang naging sandigan upang kayanin ang lahat ng hirap at hapis at tanggapin ng maluwag ang kaloob ng Dios sa kabila ng kanyang kamusmusan...


 
Pope Benedict XVI venerating the relics of Blessed John Paul II during the Beatification Rites last May 1, 2011.
 ·  · Share · Delete

No comments: