Thursday, September 22, 2011

UNAN SA ILALIM NG LUHA



Ipinugal na luha’y tumagistis
Sabay sa lagaslas ng pait at tamis
Lumigmig na mga patak ay nagtago
Sa ilalim ng mga anino




Mga daing ng kasiyaha’y nasa ibaba ng kama

Tagos sa itaas ng kagalakang nadarama
Sa limang unan na katalik
Magdamag nagbunga ang pagsuyong hitik




Dalawa’y magkahiwalay na magkatabi


Iyon lamang ang tama sa katre ng mali


Ulanin man ng luha ang ilalim ng kama…

Sisibol ang balangyaw


At sa dulo, ikaw ang siyang kaulayaw

BANGUNGOT NG GISING


Isang gabing
tayo'y magkatabi
sa aki'y iyong inihabilin,
pag ika'y binangungot
ika'y aking gisingin


Subalit  ang alam ko
pag ako'y iyong katabi
hindi ka babangungutin
sapagkat kasama mo ako
sa malalim na pagkakahimbing
magkaulayaw sa ating paglalambing

Hanggang Isang araw
tila isang bangungot
ang saki'y iyong tinuran.
Puso koy ayaw maniwala
sa masakit na katotohanan

Bakit ikaw pa o aking hirang
na kasama kong naglalakbay
sa mundo ng pait at tamis
na niligis ng ating mga pawis

Nagtiis sa dusa't hilahil
ng mundong balakyot 
ngayo'y napipintong mapalaot
sa buhay na mala bangungot

Sana ako'y gisingin sa malalim
na pagkakahimbing

nang sa ganu'y malaman ko
kung ako ba'y tulog o gising

Upang mapawi ang sakit
at maiusal ang hiling
Sana'y kasihan ng Maykapal
kagalingan mo'y dinggin

ako'y gisingin.
iyong gisingin..
ang diwa kong gising
gustong gumising... 
sana ganito katahimika ang gab ko
 ·  · Share · Delete

IMPIT NA PAGDAING


Mga kaluskos at daing
sa tabi ng dingding
impit na pagsigaw 
umabot hanggang langit
doon sa dalampasigan
kasamang nagtampisaw
pinagsalauhan ang pait
at ligaya'y ninamnam

Mga kaluskos at daing
tinakpan ng telang itim
malayo sa matang mapanuri
sa kwadradong salamin
ikaw at ako
Tayo lamang ang magkapiling
kapwa narrinig hiningang malalim

Mga kaluskos at daing
sa iyong pagdating
sagad at tumagos 
hanggang doon sa ilalim
sa lunggati't hinaing
di malaman ang gagawin
itatago na lamang ba
pigil na damdamin 

Kaluskos at daing
ng diwang pagal
katawa'y nakahimlay
sa iyo'y nakatunghay
impit na pag ungol
sa tinig mong paos
kasamang nalaglag
mga luhang umagos
sa buhay na nagtapos

 ·  · Share · Delete