Thursday, September 22, 2011

IKAW LAMANG


Ngiti mong kay ganda, ay kahali halina
pag ika'y nakikita, puso'y sumasaya
tila magneto ang maamo mong   mata
ayaw kong kumurap pag kaharap ka na


Sa mga titig mong nanunukso
itong puso ko'y lumulukso
bumibilis pintig ng pulso
sa mga ngiti mong may pagkapilyo


Ikaw ang bantay sa aking paghimbing
sayong mga bisig nais kong magising
puno ng pag ibig at paglalambing
kasukdulan ay atin ngang narating


Kahit di ka magsalita ay sapat na
pusoy nagagalak sa iyong presensya
may ngiti sa labi kahit nag-iisa
tila kalaro mga anghel at lambana

Dumadaan ang oras nang di namamalayan
basta't kapiling ka lamang  o aking hirang
sapat at di magsasawa sa ating suyuan
kahapon ngayon at magpakaylan pa man


No comments: