Ipinugal na luha’y tumagistis
Sabay sa lagaslas ng pait at tamis
Lumigmig na mga patak ay nagtago
Sa ilalim ng mga anino
Mga daing ng kasiyaha’y nasa ibaba ng kama
Tagos sa itaas ng kagalakang nadarama
Sa limang unan na katalik
Magdamag nagbunga ang pagsuyong hitik
Dalawa’y magkahiwalay na magkatabi
Iyon lamang ang tama sa katre ng mali
Ulanin man ng luha ang ilalim ng kama…
Sisibol ang balangyaw
At sa dulo, ikaw ang siyang kaulayaw
No comments:
Post a Comment