Mga kaluskos at daing
sa tabi ng dingding
impit na pagsigaw
umabot hanggang langit
doon sa dalampasigan
kasamang nagtampisaw
pinagsalauhan ang pait
at ligaya'y ninamnam
Mga kaluskos at daing
tinakpan ng telang itim
malayo sa matang mapanuri
sa kwadradong salamin
ikaw at ako
Tayo lamang ang magkapiling
kapwa narrinig hiningang malalim
Mga kaluskos at daing
sa iyong pagdating
sagad at tumagos
hanggang doon sa ilalim
sa lunggati't hinaing
di malaman ang gagawin
itatago na lamang ba
pigil na damdamin
Kaluskos at daing
ng diwang pagal
katawa'y nakahimlay
sa iyo'y nakatunghay
impit na pag ungol
sa tinig mong paos
kasamang nalaglag
mga luhang umagos
sa buhay na nagtapos


Janelle Reyes Garcia ang saya ng umpisa, exciting hehehe ,kalungkot naman ng ending07 August at 00:35 ·
Chito Jimenez Grabe naman sa title palang magiisip kana......he he he.....07 August at 04:52 · · 1 person
Angelina Tze Bureche para sa nagmamahal sadyang kasama ang pait..di lang ang saya...08 August at 00:39 · · 1 person
Ellen PadreJuan DelaCruz salamat sa mga nag like,thank you pare ko Benezer Flores15 August at 00:03 ·


No comments:
Post a Comment