Ang pipi mong pag ibig
ano't aking narinig
tikom man ang bibig
may hatid na himig
kahit ito'y kimkimin
naipadama rin
di kailangang isatinig
o iyo pang sambitin
sapat nang ako'y
iyong pakamahalin
Tama na sakin
nariyan ang isang ikaw
sa balintataw
ay aking natatanaw
tunay mong pagsinta
sa diwa ko'y nakintal
di na kailangang
puso'y sumigaw
damdamin nating
sadyang magkaulayaw
Created by PhotoMania - http://apps.facebook.com/photomaniafx/?r=album_2


No comments:
Post a Comment