Thursday, September 22, 2011

TAMA BA O MALI......( LAKBAY TULA IKAW AT AKO Blg. -1 )


  • tama bang ikaw lang ay patawanin

    tama bang iyong damhin?

    tama bang iyong marinig

    pagsuyong kakaiba ang himig? 

  • mali ngang di ko ito masabi

  • mali ngang di mo batid

  • mali ngang di mo marinig

    tama na lang puso mo ang makarinig

  • tama na lang, sa iyo ibubulong

  • mga salita kong nakakulong

    sa malayang pagsinta

  • sa iyo lamang maipapadama

  • ang piping pag ibig

 

No comments: