Noon akala ko gawa gawang kwento lang ng aming physics teacher ang kanyang high-tech prediction about the future, pero nagkatotoo ang lahat..Ang nakakabilib na invention ng computer at internet ay isang super bonggang teknolohiya na indi mo sukat akalain na magkakatotoo..Pero ang tanong, nakabubuti ba ito o nakasasama? well, pag usapan natin, at ating himahimayin ang mga kaganapan sa mundo ng internet.. 

Noon type writer lang ang alam kong gamitin, ang malakas na tunog ng takatak ng makinilya ang binuno ko sa maraming taon ng aking pagtuturo at pag gawa ng report..Hanggang naimbento ang computer at internet subalit kami yung mga napagiwanan ng panahon, sapagkat kami yung mga batch ng computer illiterates.. Ngunit  hindi doon nagtapos ang lahat, nais kong makipagsabayan sa modernong  takbo ng mundo, nais kong maging high - tech ang aking pagtuturo.. Kaya't nagsimula akong mag aral ng basic computer sa Alternative Learning System ng Dep Ed. Ni hindi ko nga alam paano ko pagagalawin ang cursor at gamitin ang mouse..Ay sus ! parang ang hirap tandaan at intindihin ng lahat.. Hanggang nagkaroon kami ng Basic Computer Training sa Science at sinundan ng Advance Training kung saan ay sinanay kaming gumawa ng mga power point presentations and video lessons..Sukat ba namang nanalo pa ako sa ginawa kong power point presentation , hehehe!!  Kasi naman nakakatuwa ang ginawa kong presentation ng male reproductive organs. Tawanan silang lahat habang dinadalirot ko ang ibat ibang parte ng katawan ng lalaki mula sa kanilang pinakatatagong kayamanan... Doon nagsimula ang pagkakaroon ko ng interest sa internet..Kaya't kasunod noon ay bumili nako ng sariling computer..Natutong gumawa ng mga grades ng aking mga pupils gamit ang computer. Dati ako ang naglelettering ng mga folders ng school report sa school namin pero sa computer ay ipiprint mo na lang.. Nasanay mag research gamit ang Google. Kaya't pag may training kami ay natatawa na lang ako sa mga trainers na hindi updated sa mga info na kanilang pinahahayag....Naging napakadali nga ng lahat.. Una akong gumawa ng account sa yahoo at Hi5,  sumunod sa Friendster, sa msn messenger at huli ang Facebook at skype ( yung iba kasi di ko na matandaan LOL !!)..Nuong andun ako sa pinas, libangan lang sakin ang internet, madalas busy sa aking farmtown, farmville at frontierre ville na mala syudad ang dating dahil sa punong puno na nag building at kung anu ano pa. Nalibang ako ng todo dahil dito naipakita ko ang hilig ko sa art at pagtatyaga sa mga munting bagay kahit na mas madalas kainin nito ang aking oras na nakalaaan na sana sa pagpapahinga..Nabuksan ko ang lahat ng temple ni Zuma at natagpuan ko ang lahat ng kanyang hidden treasures. Nasagutan ko ang napakaraming text twist at kung anu ano pa..

Subalit nagbago ang lahat ng ako'y magpunta rito sa Canada. Parang huminto ang ikot ng aking  mundo. Di maipaliwanag ang lungkot na aking nadarama sa pagkakalayo ko sa aking pamilya at sa dating makulay at super aktibong buhay. Nagsimula akong madepress, mahomesick at higit sa lahat ma bore to da max. Umiiyak ako araw araw, hanggang naisip ko na kailangan kong tulungan ang aking sarili dahil ang pagpunta ko rito ay parang  pelikulang No Retreat, No Surrender..Doon nagsimula,  kinarir ko na ang FB. Pampalipas oras ka din sa loob loob ko, ina accept ko ang lahat ng nagpapa add..Nakipagchat kung kani-kanino para lang malibang..Dumaan ang mga araw ng ganoon , nakatulong nga pero parang may kulang pa din. Meron pa din akong hinahanap, hanggang matagpuan ko ang Couples for Christ Calgary sa Yahoo, at akoy kanilang ampunin sa grupo ng isang malaking komunidad ng Pinoy na may iisang misyon sa ngalan ni Kristo..Dito nagkaroon ako ng ideya na gamitin ang internet sa pagpapahayag ng salita ng Diyos.. Salamat sa KAPE'T PANDASAL, sa WORDS TO LIVE BY, sa 100 % KATOLIKONG PINOY, TV MARIA, CFC GROUP atbp. Dito ko nakilala si Don Moen, ang Hill Song, Si Chritopher West, si Bo Sanchez at iba pa. Madalas akong padalhan ng mensahe ng Diyos sa pamamagitan ng Facebook,sa mga status,mga post, mga notes ng kung sinu sino, truly God is everywhere., He is also in the internet.. May mga gabing indi ako makatulog at lahat ng worship songs sa You Tube ang magpapatulog sakin.. Ginamit ko ang skype para makabali sa prayer meeting sa bahay namin sa Gapan.. Natuto akong magpahayag ng aking damdamin sa pamamagitan ng pagsusulat ng mga tula at mga short stories.Sa ganito man lang paraan maipakita ko kung sino ako, kung ano ang nilalaman ng puso ko... Ginamit ko ang FB sa pagpapahayag ng aking saloobin laban sa Casino sa Nueva Ecija. Isinisigaw ko ang aking protesta laban sa abortion at sa RH bill. Pilit kong pinagtatanggol ang buhay ng mga munting sanggol sa pamamagitan ng aking mga status..Pinahahayag ko ang aking tuwirang pagkondena sa Deborsyo at ang aking damdamin bilang isang OFW na nakipagsapalaran sa dayuhang bansa dahil sa hirap ng buhay sa ating sariling bayan bunga ng mga kurakot at tiwaling opisyal ng gobyerno.. Sino nga ba ako? Minsan isang aktibista, minsang isang makata, minsan isang nalulungkot na nilalang na punung puno ng emotion..Ngunit kahit ano pa man ang aking katauhan, lahat yan ay nabigyan ko ng buhay dahil sa internet..

Chatters come and go. Marami kang makikilala, iba 't- ibang ugali,  pero sa kanilang lahat siguradong may mapupulot kang aral. At sigurado may magiging tunay na kaibigan na handang dumamay sayo sa oras ng kalungkutan. Maraming kasawian ang dumaan sakin habang ako'y andito sa dayuhang bayan...Namatay ang aking kapatid, subalit naipag- pray over ko pa sya ng ilang ulit at nakita ko ang lahat ng pangyayari gamit ang skype.. Nakausap ko ang maraming nakiramay sa webcam. Walang tigil na webcam kapag may mga trahedyang di maiwasan para maramdaman mong hindi ka nag iisa at sayo'y maraming nagmamahal.Minsan mga live streaming pa nga sa mga namatay na kamag anak kaya't super hight tech talaga ang mundo ng internet.. Lahat ng palabas sa pilipinas napapanood ko rito sa laptop, nagtataka nga lang ako kung bakit kailangan pang magbayad ng TFC ang iba eh libre naman dito.. ..Patuloy kong nagagampanan ang aking gawain bilang isang ina na nakasuporta sa aking pamilya sa araw araw sa pamamagitan ng yahoo messenger o ng skype.. Ako pa rin ang taga gawa nila ng assigment hahaha!!, taga edit ng mga thesis at taga gawa ng mga resolution letter...Araw araw tsine check ko sila kung ok ba sila, kung nakauwi na ba sila, kung ano ang ulam nila...At ang pinaka importante kong nagawa ay ang mag create ng ST JOSEP CHAPEL MANGINO GAPAN CITY na mayroong humigit  kumulang sa 300 miyembro..Kung saan ay hinanap ko ang mga taga Mangino all over the world para makapag fund raising kami sa pagapapagawa ng aming bagong simbahan na nagkakahalaga ng 6 na milyong piso.. Ang sarap ng pakiramdam na alam mong para sa kabutihan ang iyong ginagawa.. Dito sila ay updated sa lahat ng kaganapan sa aming barangay lalo na sa pagpapaunlad ng aming buhay pananampalataya..

Dito sa internet nakita ko ang mga dating kaibigan at mga kamag aral. Meron kaming ALL FOR ONE-ONE FOR ALL WISDOM CLASS, KLASMATES  84 . DPC KUMUSTAHAN BATCH 84. Nakita ko rin ang mga dati kong eskwela na ngayon ay tagumpay na sa ibat-ibang larangan at palaging nambobola na hindi raw ako tumanda at ang iba ay hindi ako nakilala,  napagkamalang kaeskwela rin nila hahaha o kaya ay naka date  daw ba nyako dati wahahaha!!..Nakilala ko rin ang mga kamag anak ko na hindi pa nakikita man lang. Nakabuo kami ng DELACRUZ at PADREJUAN CLAN..Nakasama ako sa NUEVA ECIJA  page kung saan nagtutulungan ang mga Novo ecijano.. Naranasan ko ang masayang tawanan sa chatroom, na minsan inaabot ng madaling araw sa mga simpleng kwentuhan na hindi mapapantayan ang saya..Hindi mo sila nakikita pero magkakadugtong ang inyong kalooban dahil sa komunikasyon sa internet..Naalala ko tuloy yung kwento ko tungkol sa unggoy at matsing sa chatroom sa NE page.. Isang di makakalimutang samahan na tila screen lang ang pagitan..

Kung anu anong bansag ang natanggap ko sa Fb, andun pwede raw akong muse ng United Nation.. hahaha!! dahil all over the world ang aking mga ka chat.. Ako raw si miss 24/7 dahil anytime, all the time ako'y naka online..Kahit ano pa sabihin nyo, ay tinatanggap ko... OO ako'y isang adik sa internet dahil ito ang kasama ko sa maghapon at sa magdamag.. Kahit anong paliwanag hindi nyoko maiintindihan , dahil hindi nyo nararamdaman ang nararamdaman ko..Pinipilit kong bigyan ng buhay ang aking sarili sa internet, makita ng mga mahal ko sa buhay ang super megang photo album ko na ibat' ibang mukha, kung ano ang mga niluluto ko rito at kung saan saan ako nagpupunta.. OO isang bukas na aklat ang aking buhay sa internet, eh ano kung walang privacy, indi ko ipinagdaramot ang sarili ko kung sa paraang ito ako'y makapagbibigay ng inspirasyon sa nakararami..Maraming bagyo, maraming habagat at amihan, maraming bahaghari ang nagdaan subalit ang lahat ng naitala ko sa dito ay parte ng aking buhay at kasaysayan.

Masarap marinig mula sa mga kaibigan  na enlighten sila sa status ko, na isang napakagandang mensahe ng Dios ang nakita nila sa wall ko, na maraming nag aabang sa aking kapet pandasal, mga na touch sa wall photo ko at mga naiiyak sa mga worship songs na na ipost ko..Yung sabihing constant viewer mo sila dahil alam nilang may mapupulot silang aral sa ipopost mo ay napakasarap pakinggan..Minsan may mag chachat sakin para sabihin ang problema ,sa dinami dami ng tao ikaw ang pipiliin para hingan ng payo , at sasabihing ikaw ang tinuro ng Dios para magluwag ang kalooban ko..OO lahat naman tayo pwedeng gamiting kasangkapan ng Dios to evangelize people.. Kung yung mga kalokohan naipopost natin, bakit naman hindi ang salita ng Diyos, o anumang bagay na kapupulutan ng aral..Sinulat ko sa aking NOTES ang The last leaf... Life begins at 40..Gitara ng buhay at kung anu ano pa na hindi ko inaasahan ang magiging pagtanggap ng mga readers ko.. Salamat sa maraming komento na nakaka inspired para patuloy akong magsulat..NGAYON ALAM MO NA KUNG BAKIT AKO FB ADIK, KUNG BAKIT AKO SI MISS 24/7 AT KUNG BAKIT PWEDE KONG MUSE NG UNITED NATION?  ang tanong ikaw kapatid, paano mo ginagamit ang internet? nakatutulong ba ito sa iyo o nakasasama... well ikaw lang ang makasasagot nyan..

 ·  · Share · Delete

    • Janelle Reyes Garcia ako mas madalas read mode lang, nakikitingin, nakakibalita, or pasimpleng like lang, but you're correct. FB or internet is a good means of communication, depende sa gamit.. In your case you did it with good intention.. Keep up the good work, marami kang naiinspired..
      June 16 at 12:24am · 

    • Ellen PadreJuan DelaCruz thanks, salamat din sa Nueva ecija page natin..
      June 16 at 12:39am · 

    • Sarah Torres Delacruz WOW! What a very inspiring note. nakakabilib ang gling mo s pagsusulat. YOU are great . . . at tama k, nkktulong ang internet s mrming bgay, , llo n kung ggmitin na wasto.
      June 16 at 9:22am ·  ·  1 person

    • Ellen PadreJuan DelaCruz Thanks my dearest..nagkukwento lang naman ako ng mga tunay na pangyayari kaya makatotohanan, very detailed nga lang po.. as in walang magawa kapag off na sa work, baka kalawangin utak ko dito at indi napa practice hahaha..
      June 16 at 9:38am · 

    • Ellen PadreJuan DelaCruz correction pala 6 na million pala halaga nung ipagagawa naming bisita.. Waaahh sana may pilantropong mag donate samin..God willing..
      June 16 at 9:39am · 

    • Roy Reyes habang binabasa ko ito eh parang tumagos sa puso ko ang mensahe,kasi naman puro ako kalokohan dito sa net.minsan palabiro minsan masaya,kadalasan gaya ng nabanggit malungkot parang lagi ngang kulang parang laging may hinahanap..dito natin naipapahayag kung ano ang nararamdaman natin sa araw araw..salamat insan..
      June 16 at 10:17am · 

    • Ellen PadreJuan DelaCruz thanks roy, ako man din minsan may mga kalokohan din lalao na pag ikaw ang ka chat ko aka totoy diretcho alyas tuti fruti hahaha!! at isa ka sa constant viewerko hehe..alam ko naman na behind those kalokohan ay malalim kang tao, sana na lang matagpuan mo na hinahanap mo LOL..
      June 16 at 10:31am ·  ·  1 person

    • Roy Reyes haha tumpak insan shoot na naman sa puso ko..huhu
      June 16 at 11:35am ·  ·  1 person

    • Anecito Fabito galing tlaga ng sis ko...
      June 16 at 5:30pm ·  ·  1 person

    • Ellen PadreJuan DelaCruz salamat bro ko...
      June 16 at 6:34pm · 

    • Rommel Punzalan Bondoc wow naman! the wonders of technology.. just imagine what a human mind can do... what more if this mind is guided by the Almighty... tita ellen, ikaw na nga.. ikaw talaga... ikaw pa... at ikaw lang... ang 24/7 queen! Mabuhay ka tita... more power... next step mo.. aralin ang blogosphere... by all means... kung apat ang mga kamay ko... lahat ito nakahandang tulungan ang aking REYNA pakkk!
      June 16 at 7:23pm · 

    • Sarah Torres Delacruz korek k jan rommel, tlgang 24& qeen at muse p ng united nation ang tita ellen mo. . . , keep it up girl
      June 16 at 10:51pm ·  ·  2 people

    • Ellen PadreJuan DelaCruz ‎@ Anecito Fabito, mas magaling ka bro sakin kasi mahusay kang kumanta kaya may video ka, ako wala hehe!!
      June 16 at 11:36pm · 

    • Ellen PadreJuan DelaCruz ‎@ Rommel Punzalan Bondoc , sana nga makagawa nako blog at baka ma hack acct ko sayang naman pag naerase lahat ng stories ko, pakkk, di ko na maibabalik yun kahit anong liyad gawin ko hahaha!!
      June 16 at 11:39pm ·  ·  1 person

    • Ellen PadreJuan DelaCruz ‎@ Sarah Torres Delacruz, fren , natatakot akong magka dimentia kaya kailangang mag isip paminsan minsan. Na stock ang utak ko rito LOL !! baka lumagpak nako sa exam sa science pagbalik ko sa pagtuturo hehe!! mag change nako linya, sa filipino naman ako ngayon LOL!!
      June 16 at 11:44pm · 

    • Rommel Punzalan Bondoc If you want i can start an account for you.. i can even teach you the basics... i'm just a chat away... just give me a sign para sabay na tayung lumiyad sa blogolandia!
      June 16 at 11:53pm · 

    • Ellen PadreJuan DelaCruz cge at one of these days, kalampagin ko ang hari ng Liyad para ako'y tulungang makapasok sa mundo ng blogolandia. Swak na wapak pa hahaha!!
      June 16 at 11:55pm ·  ·  1 person