Magdamag akong di pinatulog ng gabi.. Parang tubig sa batis na dumaloy sa aking gunita ang lahat. Isang malakas na pag iyak ng  sanggol ang gumising saming magkakapatid nung umagang iyon.. Nagkukumahog kami sa pagbababa sa hagdanan, sapagkat isa lang ang ibig sabihin ng aming narinig.. nanganak na  si ina. Nakita ka namin sa tabi ng ating ina, isang malusog at magandang sanggol na may malaking nunal sa pisngi..Lahat ng iyong nakaraan ay malinaw saking gunita sapagkata malaki na kami ng ikaw ay isilang.Lagi kong pinapangarap na makita ang iyong paglaki. Naiwan ka sakin nuong ikaw ay elementarya at nangibang probinsya ang ating mga magulang.. Ako ang kasama mo nung magtapos ka sa elementarya. Nasubaybayan ko ang iyong kabataan kung saan nagkaroon ka ng mga matatalik na kaibigan na minahal ka hanggang sa huling sandali..Nuong una kang nag abroad ako,si ate edith at ang kuyang ang naghatid syo sa airport. Napakabata mo pa nuon,parang disiotso anyos ka lang subalit buo ang iyong loob, labis ang aming pag aalala sa iyong paglayo,subalit sa lahat ng gusto mo kami ay nakasuporta at umalalay sayo..Pagkatapos sa Taiwan,nagpunta ka sa Israel.Tumagal ka roon sa loob ng 6 na taon kung saan 2 o tatlong beses ka yata nakauwi. Halos araw araw mokong tinatawagan sa telepono para maalis ang iyong pangungulila. Matiyaga akong nakinig at nagpayo sa lahat ng iyong problema sa abroad..Dumating ang panahon na ikaw ay umibig sa maling tao subalit andoon pa rin kami, lalo na ako upang tulungan kang maituwid ang pagkakamali..Ang lahat nga ay naibalik sa normal . Pinilit mong makalimot, bumangon at magsimulang muli.. Tuwing birthdaymo, andun kami para makipagdiwang sayo. Mula nung maliit ka binibigyan kita ng regalo kapag sumasapit ang iyong kaarawan. Talagang iba ang pagtitinginan natin, bukod sa magkapatid ,parang anak na rin kita. Nuong maliit ka ako ang gumagamot ng mga galos mo pag nadarapa ka. Ako ang ginigising mo pag may masakit sayo sa gabi.Ako ang nagtuturo sayo sa mga assignment mo sa paaralan at taga gawa ng project mo. Kung kaya't nang dumating sa atin ang isang napakasakit na pagsubok ay ako ang unang naalarma. Ginawa ko ang lahat upang maipadama ko sayo ang aking taos pusong pagmamahal.. Pinilit kong magpakatatag upang may paghugutan ka ng lakas..Sa twing gabi na tayong dalawa ay nagdarasal, damang dama ko ang takot at lungkot na isang araw ikaw ay lilisan.. Subalit ikaw ay tunay na matatag, pilit mong kinaya ang lahat.. Unti unti kitang ginayak sa hamon ng buhay. Maging handa anumang oras . Tanggapin kung ano ang kaloob ng may kapal.. At lahat nga ng iyong pighati ay natapos sa petsang ito nuong nakaraang taon. Ika - 19 ng Pebrero, 2010, ikaw nga mahal kong kapatid na Ninia ay pumanaw. Sobrang lungkot ang aking naramdaman sapagkat ako ay wala sayong piling sa oras ng iyong paglisan. Sinamahan kita ng isang taon sa iyong laban ng buhay. Subalit sa iyong pagpanaw ako ay kaalis pa lamang ng bansa..Tanging sa webcam  na lang kita nakita.Na ipag pray overpa  kita sa huling sandali ng iyong hininga. Nakiusap ako sa Dios na bigyan na ng kapahingahan ang iyong pagal ng katawang lupa. Ang katawang   iginupo ng malupit  na colon cancer. Ngayon nga ay unang taon ng iyong kamatayan, di ko mapigilan ang aking sarii sa pagluha. Isang panghihinayang sa iyong buhay na napakaagang nawala..ikaw na bunso ang nagsisimula pa lamang ng buhay na ito ang dumanas ng lahat ng pasakit.. Lagi mong sinasabi sakin na life is too short, that we must be happy and do what will make us happy dahil bukas makalawa di mo alam kung ano ang nakatakda para sayo.. Hanggang ngayon indi pa rin ako makapaniwala na wala ka na..Ngunit alam ko, kapiling mo na ang Dios sa kanyang kaharian.. kung saan doon ay napawi na ang lahat  ngiyong  dusa at hapis. Maging tanglaw ka nawa namin sa aming buhay at ang aming pagmamahal at panalangin ay iyo naman sanang baunin.. WE LOVE YOU NINIA... WE MISS YOU SO MUCH MAHAL KONG KAPATID..


 ·  · Share · Delete

    • Ellen PadreJuan DelaCruz Today is my sister Ninia's first death anniversary..Help me pray for her eternal rest and may the Lord heal us in all the pains and sorrows we had in loosing her.
      February 18 at 12:45pm ·  ·  6 people

    • Ellen PadreJuan DelaCruz thanks Glo.
      February 18 at 12:50pm · 

    • Bill Simon Ville She is remembered in our prayers.
      February 18 at 6:22pm · 

    • Ellen PadreJuan DelaCruz thanks Fr. Bill.
      February 18 at 6:23pm · 

    • Myra Garcia Castillo dont worry ellen saan man cia naroroon now ay masaya na cia kc marami ang nagdarasal para sa kanya.
      February 18 at 6:43pm ·  ·  1 person

    • Ellen PadreJuan DelaCruz thanks Myra.. nasa gapan sila mariet now at mga nanay dahil padasal kay ninia.
      February 18 at 7:04pm · 

    • Myra Garcia Castillo nakakaiyak naman ang sinulat mo na huling sulyap i admire you sana marami pang mga taong tulad mo na napakabuting kapatid isang achievement sa magulang ang magkaroon ng anak na katulad mo, youre great ellen sana hwag ka magbago. giove my regards to mariet miss ko na cla ni neneth matagal na kami di nagkikita kita.
      February 18 at 7:14pm ·  ·  1 person

    • Ellen PadreJuan DelaCruz maraming salamat Myra..
      February 18 at 7:15pm · 

    • Reyes Edith nabasa ko ng buo ang iyong "HULING SULYAP" 1 yr. na pala parang kaylan lang,,
      February 18 at 8:34pm ·  ·  1 person

    • Lilibeth Bautista Genuino pareho nating pinagdaanan ang mawalan ng mga mahal sa buhay...our prayers for her sis...ingats!
      February 18 at 10:09pm ·  ·  1 person

    • Ellen PadreJuan DelaCruz Salamat, edith and sis Beth..
      February 18 at 10:18pm · 

    • Myra Garcia Castillo nalimutan ko ask ellen wala ba anak si nina na naiwan, mahirap talaga walan ngtaong mahalaga sa buhay mo naranasan din namin yan ng mamatay ang kuya ko matagal bago namin natanggap na wala na cia lalo na ang nanay ko matagal bago nakarekober na wala na ang anak nya na panganay
      February 18 at 10:30pm · 

    • Ellen PadreJuan DelaCruz walang anak si ninia, tama ka hanggang ngayon iyak ng iyak ang nanay ko, kahit anong paliwanag ang gawin namin di pa sya maka move on kasi magkasama sila sa bahay..
      February 18 at 10:41pm · 

    • Nhel Marie Carlos 
      one yr.na,time flies so fast,i remember on this same day last yr when ate mariet called me @ around 5am telling that she passed away.when i saw her,im crying but im thanking God that she has been relieved from all her pains.i really admire...See More

      February 18 at 11:19pm ·  ·  1 person

    • Ellen PadreJuan DelaCruz Naku napaiyak mo na naman ako Nhel.. Twing makikita kita dito sa Fb naalala ko ang pagmamahalan nyo bilang tunay na magkaibigan..She's really so bless to have lots of good friends and family that love her so much..Thanks for everything.
      February 18 at 11:22pm · 

    • Alliah Chloe Reyes Mendoza ‎__isang taon n pla ate ellen parang kelan lang,.sobrang naiyak kmi ni ditche...
      February 19 at 3:31am ·  ·  1 person

    • Bhieanca Beley nakakamiss si tita niña. :(
      February 19 at 3:40am ·  ·  1 person

    • Ellen PadreJuan DelaCruz ‎@ Alfa,nasa amin tatay mo.Ang tagal kong kausap sa webcam kanina. Yes , 1 year na,ang bilis ng panahon pero ang tagal makalimot ng mga naiwan..
      February 19 at 3:57am · 

    • Ellen PadreJuan DelaCruz Bianx, you witnessed everything on what we had been through.. Salamat sa lahat ng pagmamahal nyo sa amin..
      February 19 at 4:02am · 

    • Bhieanca Beley Wala yun tita. Tayo tayo na lang naman po ang magkakaclose. Tsaka isa na din kayo na parang naging kapamilya na dn namin. Nakakamiss lang po talaga yung moments na nagkkwento siya sakin, na natutuwa xa sakin. Haay naiiyak ako pag naaalala ko. kanina nga po nung nasa labas aq. nakita ko ung 3 star na magkakatabi. sabi nia sya ung nasa gitna.
      February 19 at 5:07am ·  ·  1 person

    • Roy Reyes alam mo insan ang puso ko ay bato ang utak ko ay granite na sa tigas at tibay dahil sa mga sakit ng buhay pero ito nilusaw ang tibay ko..lagi ko naalala nung kamiy magbabakasyon sa gapan nung kamiy bata pa kasi si ninia ang bata sa inyo nuon sya ang nakakasama ko lalo na pag namsyal kami sa memorial may matandang masungit duon nuon.we miss you ninia we will never forget..
      February 19 at 7:09am ·  ·  1 person

    • Odie Santiago time will heal all wounds, you gave all the love for her when she was alive, now she will be happy that everyone starts moving on.....for nina and the whole family, especially you and your mom, we pray to the Lord for this.
      February 19 at 7:51am ·  ·  1 person

    • Veronica Gervacio sis, i truly admire you...may ninia rest in peace...and for you-sana keep on touching other lives.
      February 19 at 4:47pm ·  ·  1 person

    • Ellen PadreJuan DelaCruz ‎@ KuYa Odie, Roy and Sis Vi, thank you guys sa mga message nyo.. I'M so touch..Mahalin natin mga kapatid natin dahil karugtong sila ng ating buhay..Salamat po sa lahat ng naglike at nagpray for her soul..
      February 19 at 5:35pm · 

    • Shierly Mallare-mangulabnan Ninia was such a brave woman, parang wala siyang sakit during that time. Gawin natin syang inspirasyon during our darkest days!
      February 20 at 1:55am ·  ·  1 person

    • Eliza Mariano naku ellen ng bibasa ko itong lihan mo pra ky ninia nadala ako ng kalongkotan .at pag tulo ng akin luha.minahal ko din siya ng para kong kapatid. kahit mahigsi lang ang aming pinagsamahan .dito sa israel.sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa at patnubayn siya ang ating panginoong dios amen.
      February 20 at 8:41am ·  ·  1 person

    • Ellen PadreJuan DelaCruz Thanks,Shierly and Eliza..
      February 20 at 10:50am · 

  • '