Life begins at 40, Mga katagang madalas kong madinig pero ano nga ba ang tunay nitong kahulugan? Kalimitan naririnig ko ito mula sa mga biruan,lalo na ng mga kalalakihan.. Para bang, kakambal na ang mga katagang ito pag ang lalaki ay sumampa ang edad sa kwarenta at medyo nag-iba ng kaunti ang takbo ng buhay o mas tamang sabihin natin na parang naliligaw ng landas. Natatandaan ko pa, mga 3 taon na ang nakararaan ,may grupo kami ng mga kaeskwelang lalaki ang nagkita-kita pagkatapos ng maraming taon ng pagkakahiwalay,at aking naisipang itanong sa bawat isa kung ano ang pakahulugan nila sa katagang life begins at 40. Kung ito ba ay totoo para sa kanila? Ang sabi ng isa, ito yung panahon kung saan parang pakiramdam nya nagbalik sya sa pagbibinata kung saan, sya ay "blooming' at feeling teen- ager" daw  ! Sabi naman ng isa,ito yung time na nagka crush sya ulit sa ibang babae ,matagal mag ayos sa salamin at nagpapa cute sa mga girls!! Sabi nung isa,pag sampa nya ng edad kwarenta parang lagi syang masaya,active at agresibo... Nauwi ang aming masarap na kwentuhan sa masayang tawanan!! Naisip ko siguro nga totoo, na ang mga male hormones ay nagiging aktibo ulit sa pangalawang pagkakataon, pag ang lalaki ay dumating na sa edad na kwarenta. Katulad ng pagiging aktibo nito sa panahon ng pagbibinatilyo kaya't parehas ang epekto nito sa kanilang kaisipan at damdamin!!! Pagkatapos ako naman ang kanilang binalingan kung ano ang aking opinyon sa katagang life begins at 40. Ito ang naisipan kong isagot  " for me, life begins at birth at sinabayan ko ng malakas na tawa.... isang biro para sakin pero may malalim na kahulugan, at hanggang ngayon aking iniisip , kung kelan nga ba nagsimula ang buhay? Isang buhay na may kahulugan? Isang buhay na punong puno ng buhay? Ito ba ay nung panahon ng ating  musmos na kabataan kung saan tayo ay masasabing malinis at inosente pa sa maraming bagay?... Noon bang panahon ng ating pagdadalaga at pagbibinata kung saan ay nagsimulang matutong umibig ang ating mga puso?  O sa panahon ng pagiging isang magulang, kung saan ay punong puno tayo ng pagsubok at kung paano babatahin ang buhay na di natin talos ang magiging kinabukasan at kahihinatnan...Indi kaya ang katagang Life begins at 40 ay ang panahon ng pangalawang yugto ng ating buhay.. Ang buhay na dapat ay diretso na at alam na ang patutunguhan? Indi kaya ang pagsampa natin ng edad na kwarenta ay dapat na matured na tayo para malaman ang mga dapat pahalagahan sa buhay? Kung alin ang mas dapat unahin at bigyan ng prioridad? Indi kaya sa panahon na ito, dapat ay matatag na tayo sa lahat ng pagsubok sapagkat napagdaanan na natin ang unang yugto ng buhay kung saan dapat ay natuto na tayo mula sa mga pagkakamaling nagawa  sa ating nakaraan? Ang buhay ay punong puno ng pakikibaka ,sa pagtuntong natin sa edad na kwarenta, marami na tayong dapat baguhin at bigyan ng pansin... Isa isahin natin: Ang ating pamilya, na sya nating inspirasyon kung kaya't patuloy tayong nagsusumikap at nangagarap para sa buhay na ito... Ang ating kalusugan na sa pagdating ng edad na 40 ay dapat ng lalong bigyang pansin,alisin na lahat ang bisyong magpapahina sa ating katawan at maglulugmok satin sa sakit... Ang ating hanapbuhay bilang paghahanda sa ating pagreretiro at katandaan....Ang ating mga kaibigan , magulang at kapatid na dapat nating alalahanin sapagkat indi natin batid kung kailan at hanggang kelan pa natin sila makakapiling, at higit sa lahat ang pagkilala sa Dios na huli nating hantungan.. Ang Dios na walang sawang gumabay sa atin at nagbigay ng lakas upang umabot tayo sa ikalawang yugto ng buhay.. Ito ang panahon ng pagbabalik loob sa Dios..Madaming tao ang indi na umabot sa edad na 40 at nilisan ang mundong ito... Tayo na andito pa hanggang ngayon ay nararapat lamang na magpakatalino at pahalagahan ang edad na 40 na ikalawang yugto ng buhay,ang buhay na dapat ay puno ng buhay,isang buhay na makulay, isang buhay na may pagkilala sa moral at espiritual na pangangailangan, may pagpapahalaga sa dignidad, may pagmamahal sa kapwa at lalot higit sa Amang Diyos na dakila...Ikinatatakot ko na baka tayo ay mahuli...Baka mamaya maiba na ang kataga na life begins at 40... baka mamaya mangyaring life ends at 40... Indi pa huli ang lahat para syo na nasa edad na ito, simulan mo na ngayon ang buhay na ganap at kasiya siya....nasa iyong kamay ang pagpili at pagbabago!!!
 ·  · Share · Delete
  • 50 of 51

    • Ahmed Harli Older People Are Happy: Life Begins At 40 And 50 And 60
      Life in Germany showed. Start 60

      November 27, 2010 at 9:47pm · 

    • Sonny Fabito Life begins at forty because during those times you are already established, you are on top of your career, you have saved money for trips, vacations...You have also friends who can go along with you and most of all you have your children to enjoy.
      On the earthly side: For men, it means otherwise. At forty, men have already money to spend. Ladies, liquors, adventures, and gambling were their joy...

      November 28, 2010 at 2:26am ·  ·  1 person

    • Janelle Reyes Garcia it's an eye openner...minsan baligtad ang buhay,kung kailan pa tumanda dun pa naligaw ng landas kaya nga naging kasabihan yan, pero in real sense tama ang sinabi mo,second stage na ito ng buhay at dapat nasa ayos na lahat..
      November 28, 2010 at 2:42am ·  ·  1 person

    • Roy Reyes 
      habang binabasa ko ito hindi ko mapigilan na mangiti dahil halos lahat ay tumama sa aking isipan,wala pa ako sa edad na yan pero on the way na ako,tunay nga mahalaga ang pagiging matatag sa lahat ng pagsubok ng buhay..ngunit minsan o kadala...See More

      November 28, 2010 at 3:50am ·  ·  2 people

    • Liway Mejia 
      Ang pananaw ko sa kasabihan na yan, walang masama to have a new life or begin your life at 40 basta lang sa tama tayo. You can focus your attention to your family and magsimula kayo ulit kung may hindi man magandang nangyari sa nagdaan taon...See More

      November 28, 2010 at 10:52am ·  ·  2 people

    • Ellen PadreJuan DelaCruz Hahaha!! ang gaganda ng comento nyo! nakakatuwa!! see!! malalim ang kahulugan ng katagang ito kasi nasa kanya kanyang sitwasyon yan at estado ng buhay,ang sakin ay paalala lang na, at 40 our life should be go straigth forward in Christ..
      November 28, 2010 at 4:41pm · 

    • Xharah Cruz wowww hmm now po my idea nko if wat meaning 'life begins at 40' pagtungtong ko jan ska ko cguro po mpaptunyan at malalman n gnun nga en i wish umabot ako s age n yan,un pla un magcmula uli s lhat,,pero hehehe ung iba coment mgcmula s pgiging aktibo or feeling bnta mostly po s guys,bt i think ung iba mgcmula muli if evr n my di mgndangyri b4 s knilang buhay,,,,hmmm gud job mum ellen nice nice question????????
      November 28, 2010 at 5:43pm ·  ·  1 person

    • Benezer Flores almost lahat ng comments dito nakarelate ako, masarap ang feeling pag 40 yo ka na. masarap din mag explore yung mga hindi ko nagawa noon. maganda rin mag reminish of the things in the past.
      November 28, 2010 at 5:54pm ·  ·  1 person

    • Xharah Cruz wowww xcted nko mag 40's hehehehe sya nman topic ni ate ellen hehehehe
      November 28, 2010 at 6:27pm · 

    • Jocelyn Calingacion Wee 
      at 40, you suddenly realized that high school was 24 years ago, that college was 20 years ago, and that the songs you love to sing were hits 30 years ago.


      while you appreciate your current beauty, looking back at your younger pictures gives ...See More

      November 29, 2010 at 6:33am ·  ·  2 people

    • Salaysay Guiller pag kc nsa 40 na ung edad mo parang ngaun mo nadama sa sarili mo na ganito pala pag nsa age 40 na.ung bang nagawa mo nung teen ager ka gusto mo ulit gawin ngaun parang gusto mo gawin ngaun ung dmo nagawa dati..parang bagong kabanata ng buhay.
      November 29, 2010 at 10:32am ·  ·  2 people

    • Salaysay Guiller salamat sa nag like..age 40 pero dapat lahat ng desisyon mo nsa tama nsa lugar wala kang masasktan na ibang tao.sa age 40 parang nabago ang takbo ng buhay mo at minsan maalala mo ung mga nakaraan sau masaya man ito oh malungkot..minsan matatawa kapa nga eh...pag na alala mo un.
      November 29, 2010 at 10:44am · 

    • Reyes Edith ate Ellen, pwede kana documentarist about life,,,, nakarelate din ako dito......kc andito nako sa life begins at 40, naguumpisa na sana mas exciting ang life lalo na dito.......
      November 29, 2010 at 3:23pm ·  ·  1 person

    • Marietta De Leon Cruz ganda ate ellen,,p copy@paste 6 years from now...
      November 29, 2010 at 8:26pm ·  ·  1 person

    • Ellen PadreJuan DelaCruz 
      Nakakatawa,eh drama nga yung story ko pero exciting sa mga readers na magpo forty hehe!! Actually masaya talaga ang 40's,ibang stage ng buhay to,nung 30's pako,masyado kong seryoso sa trabaho at sa buhay,lahat dinidibdib ko,para kong nag aa...See More

      November 29, 2010 at 8:55pm ·  ·  2 people

    • Salaysay Guiller maganda ung story mo may drama at nakaka exite basahin
      November 29, 2010 at 8:57pm ·  ·  1 person

    • Shiela P. Kainuma ang ganda ng story,my drama at npangiti ako....i like it!
      November 29, 2010 at 10:34pm ·  ·  2 people

    • Beatriz Dancil Grüßinger hay naku gusto qnang maging 40.sana pag gising q bukas 40 na aq he he ..pero konting panahon nlang ang hihintayin q. dati takot aqng maging 40 kc matanda na aq non, pero now excited na aqng maging 40..
      November 30, 2010 at 12:34am ·  ·  1 person

    • Randy Cloepas 
      Ganda ng story Tinanong mo na... Sinagot mo pa...wala na kaming sasagutin.. hapyaw na lang... Ang aking naman dyan Sang-ayon ako sa kasabihan na life began @ 40's nag iiba ang awra at takbo ng buhay, mukha, parang walang problema na dinadal...See More

      November 30, 2010 at 12:38am ·  ·  1 person

    • Ellen PadreJuan DelaCruz ahaha!!! @ randy,sa lahat ng comments, yung syo talaga ang nakakatuwa,yung iba kong friends sobrang seryoso ..correct po kayo at may mabuhay pa ang mga 40s ha? hehe!!!very nice... thanks..
      November 30, 2010 at 12:44am · 

    • Randy Cloepas ‎@heto pa po ang the best Amin man natin o hindi itoy totoo sa mga 40's huag mag denie ha...nagiging blowming lalo na sa babae laging nasa parlor etc..daming burloloy sa katawan daig pa teeneger umasta oh kumilos hahahahaha sa lalaki mas mapormang mag dala ng damit smart tignan kaya habulin ng tingin hahahahhaha ....tatamaan ng kidlat ang hindi umamin hahahahahhaha
      November 30, 2010 at 12:52am · 

    • Ellen PadreJuan DelaCruz ‎@ randy,hehe parang tinamaan ako dun ah kasi may borloloy yung isa kong pic sa story pero indi po ako nagpupunta sa parlor hahaha,magastos yun,sa akin naman nasa 20s pa lang ako ganito nako talaga hahaha!!! ayokong tamaan ng kidlat!!
      November 30, 2010 at 12:58am · 

    • Randy Cloepas hahahahha yung pong ayaw umamin lang po yun....kung kayo po ay may borloloy na noon mas magaganda ngayon db...jokess
      November 30, 2010 at 1:05am · 

    • Fely Garcia ‎@mr randy cleopos,, ganun po b at d age of 40 blooming,,bkit aq age 20 aminado aq blooming na.,,
      November 30, 2010 at 1:49am via Facebook Mobile ·  ·  1 person

    • Randy Cloepas hmmm@ms Fely Garcia....ikaw ha...age 20 ka noong MAY- hapon pa hahaha jokes....blowming ka parin kahit wala kana sa 40's jokes peace po tayo...
      November 30, 2010 at 1:58am · 

    • Gregg Esquivel wow ang galeng... gawa mo ba ito? baka pwede natin itong i-share sa dyaryo, with your permission of course?
      November 30, 2010 at 2:16am · 

    • Ellen PadreJuan DelaCruz ‎@ greg,pati ba ito pang dyaryo din? baka magreact mga readers mo tulad nitong mga FB friends ko kanya kanyang reaction hehe!!
      November 30, 2010 at 2:33am · 

    • Evelyn DelaTina galing mo naman gumawa nito.OO,tama ang sinabi mo,pagtumuntong tayo sa idad 40 pataas dito natin natatanto kung gaano ba kahalaga ang buhay natin,sinasayang ba natin o pinapaganda ba natin.Iisa lang ang masabi ko keep going lang tayo kay Lord.Dapat magpasalamat,magpuri at magtiwala sa kanya na mayron tayo o wala man.Merry Christmas @ happy new year!
      November 30, 2010 at 9:13pm ·  ·  1 person

    • Anecito Fabito 
      galing talaga ni sis...para sa akin,from the age of 40,we need to learn to function in our dysfunction.develop better relationships.don't spend all your time trying to win over your critics,relax lang!just run your own race di ba?kasi patan...See More

      November 30, 2010 at 9:32pm ·  ·  1 person

    • Ellen PadreJuan DelaCruz Superlike Bro anie!!Hehehe,Ganda naman ng sinabi mo,tama po,we have to balance everything lalo na kayong nasa US give time to your family,time for relaxation,time for your self and time for your spiritual needs..Thanks Bro!!
      November 30, 2010 at 9:38pm · 

    • James Rodriguez Alonzo salamat pong muli sa inyong pagsulat.....isa po kaung inspirasyon para mahalin natin ang ating hiram na buhay...God bless at
      maligayang pasko po..

      December 3, 2010 at 12:13am ·  ·  1 person

    • Ellen PadreJuan DelaCruz thank you james!!Nalala ko yung sabi mo sakin na pilipino ang lagi kong gagamitin sa pagsusulat para kayang intindihin ng lahat, salamat sa iyong oras..
      December 3, 2010 at 12:19am · 

    • James Rodriguez Alonzo mas maganda lang ang dating...kasi bihira ka ng makakabasa ng tunay na salitang pilipino.....puro jejemon n kasi
      December 3, 2010 at 1:04am · 

    • Arvie Mendoza para sa akin kaya nasabi na "life begins at 40" eh dahil sa halos karamihan na 40 years of age ay pamilyado na at may mga anak na at ang mga anak nila ay malalaki na din, ang ibig qng sabihin eh, hindi na cla nag aalaga ng mga anak nila kaya parang nag fe-feeling binata cla or dalaga kasi tapos na ang pagpapalaki nila sa naka nila. un lng ang pag kakaalam q at pag unawa hihihi,.. salamat!!!!
      December 3, 2010 at 1:07am · 

    • Rolando Nuevas Taaaa-ma
      January 25 at 12:20am ·  ·  1 person

    • Rommel Punzalan Bondoc nabasa ko na to dati tita.. ang it again.. makes sense... baka nga life ends at 40... and not begin.. so i guess i have to be sure that if that is true, then ill be spending 9 more years left.. and im gonna make sure it will be spent... wisely, productively... inspiringly.. JUICY at kaliyad liyad diba?
      May 20 at 12:15am ·  ·  1 person

    • Rommel Punzalan Bondoc ‎10 years pala.. kala ko 31 nako 30 pa lang pala.. tahahha!
      May 20 at 12:16am · 

    • Ellen PadreJuan DelaCruz Hehe,pag ikaw talaga bumanat Rommel, sobrang nakakatuwa, ano sa palagay mo pwede na bakong writer? kulang pa sa pagliyad eh, sabi ko naman sayo pang wholesome mga kwento ko kasi hahaha
      May 20 at 12:18am · 

    • Rommel Punzalan Bondoc pwede yan tita... may pinaplantsa kasi akong segment... pasok ka dun sa mga inspiratonal na entries... hhehe
      May 20 at 12:19am · 

    • Rommel Punzalan Bondoc hays... pag uwe mo meet kita ha... at tuturuan kita ng tamang pagliyad sa gitna ng maharlika highway tahahahha!
      May 20 at 12:20am · 

    • Ellen PadreJuan DelaCruz kulang pako sa mga flowering words at tinatamad akong ayusin ang pagkaka type,kahirap kasing gumawa dito sa fb ng notes, pag edit kung minsan nabubura lahat, but it's my pleasure to be a guest writer in mga Kwentong Liyad
      May 20 at 12:21am · 

    • Rommel Punzalan Bondoc yan nga po ang point ko dun sa isang enquiry sakinabout how to make a blog. sabi ko sa fb limited ang controls mo. outside FB, my full access ka.. at yun customization mo... personalized at winner talaga tita. dito kasi limitado e.
      May 20 at 12:23am · 

    • Ellen PadreJuan DelaCruz hahaha!! alam kong kailangan ng isang writer na marunong magliliyad para abot tanaw mo ang lahat. Kailangan lang matuto rin akong gumamit ng mga salitang kalye at mga kalorki words hahaha
      May 20 at 12:24am · 

    • Rommel Punzalan Bondoc hahahaah... oo nga.. kasi pang masa po liyad e. may bumatikos nga sakin bat daw ganun ang wordings e kasi di nila expected na ganun dahil titulado daw ako tao. sabi ko, keber na kung keber, para maintindihan ng madlang pipol yun mensahe... diba? matututo kadin tita... in time...
      May 20 at 12:26am · 

    • Ellen PadreJuan DelaCruz exactly, ibig ibig ko na ngang magtanong syo paano pag gawa ng blog, may contributions din ako sa samahang Filipino -online calgary, pero di ko na nahaharap, 2 pa lang post ko roon. Cguro kesa nagpupuyat ako ng walang katuturan, much better to write down my wild imaginations hahaha..
      May 20 at 12:27am · 

    • Rommel Punzalan Bondoc KOrek! panalo yan.. and sa liyad, your wild imaginations will become more exotic... heheh... sana nga lang wag abutin ng 40 bago mo begin ang pagliyad, pak!
      May 20 at 12:29am · 

    • Rommel Punzalan Bondoc madali lang tita paggwa ng blog usually may ganito shang URL oh --> http://mgakwentongliyad.blogspot.com/personalized yun web address depende sa gusto mong name.. parang ako napili ko yun LIYAD kasi ka LIYAD liyad talaga yun mga andun diba?
      May 20 at 12:32am · 

    • Ellen PadreJuan DelaCruz ang gaganda ng mga kwento mo run,very entertaining talaga, kasi kolokoy ang mga words at hyper na hyper ang writer hahaha!! nabibigyan mo ng buhay kahit ang walang kwentang bagay at boring na topic..veri eductional at informative pa yung ibang topic kaya nagustuhan ko sya, yun ang problema ko kasi mga seryoso ang kwento ko yung tipong makalaglag luha..
      May 20 at 12:36am ·  ·  1 person

    • Rommel Punzalan Bondoc 
      meron din po akong makalaglag luha dun di lang makalaglag ngala ngala at pustiso.. kaso diko lang po publish pa kasi it takes more than guts to do it.. i need an infinite courage and supreme inspiration.. it takes more that wit to write tho...See More

      May 20 at 12:40am · 

    • Ellen PadreJuan DelaCruz hahaha!! Goodluck sa napakaganda mong blog http://mgakwentongliyad.blogspot.com/ I know the feeling of being a writer, very fullfilling kahit ubos ang oras mo, basta may nasisiyahang mga readers ok na.. keep it up bro..
      May 20 at 12:43am ·  ·  1 person