Nuong bata pa ako bihira lang akong makakita ng gitara dahil walang mahilig sa aming pamilya sa mga instrumentong pang musika,subalit ngayon ang daming gitara sa aming bahay. Mga gitarang may kanya-kanyang kasaysayan. Iba't-iba ang pinagmulan at mag-kakaiba ang itsura at gamit..May binili, meron din namang ibinigay lamang. Mayroong sira na, na matagal ng hindi nagagamit pero dahil pinagawa ay muling naging makabuluhan. Meron ding maayos pa pero wala ng interest ang may ari at tinambak na lamang at meron ding binili lang para idisplay at nung magsawa na ay pinamigay. May gitarang malaki, may maliit..may mababang tunog, may maataas na tono,..May luma, may bago...may maraming kwerdas at ang iba naman ay kakaunti lamang.. Subalit kahit ano pa man ang kanilang pagkakaiba, iisa pa rin ang kanilang kahulugan sa mundo... ang magbigay ng tunog, tunog ng musika na minsan ay masaya ,mabilis,at maingay. Minsan naman ay may tunog na malungkot,mabagal at mahina.
Ganito ang ating buhay, katulad ng mga gitara..Minsan may gitarang ang gandang tingnan ngunit pag kinalabit mo ang kwerdas ay wala pala sa tono, at pagak ang tunog. Katulad ng tao,madalas wala tayo sa tono. May mga salita na binibitawan na nakakasakit ng kapwa at nakasusugat ng damdamin..May mga salitang alam namang mali pero pilit na bibigkasin sa pagak na tinig. May gitarang naka display lamang at walang gamit. Ito yung mga tao na, walang pakialam sa kapwa at sarili lamang ang iniintindi..Ni hindi makapaghatid ng kahit isang nota na aaliw sa makaririnig at magbibigay ng pag asa sa pusong sugatan.May mga gitara naman na, pilit inaayos, kahit paulit ulit nang nasisira ay ginagawan pilit ng paraan upang mapakinabangang muli.. Katulad ng tao, may mga pagkakataon sa buhay natin na paulit-ulit tayong nadadapa pero paulit-ulit din tayong bumabangon para ipagpatuloy ang buhay kung saan, tayo ay nagsisikap na maging makabuluhan para sa mga nagmamahal at mga taong handang makinig sa musika ng ating buhay. May gitara naman na nasira na at itinamnbak na lamang sa isang sulok, gaya ng ibang tao na nalugmok na sa kasalanan at bisyo na ayaw tulungan ang sarili upang makahon sa balon ng dilim na kinasadlakan..May mga gitara ring bago at kumikislap pa sa kagandahan at hatid ay isang libot isang pangakong musika subalit mabilis na naluma at unti unting nawala ang kagandahan at taginting ng tunog. Halintulad sa taong sa una lamang magaling at habang dumadaan sa mga pagsubok ng buhay ay nawawalan ng direksyon at lakas.. Ngunit sa kabila ng mga gitarang ito, may isang gitarang taga sa panahon na sa kabila ng kalumaan ay nananatiling buo at may maayos na tono. Isang gitarang subok sa tatag at tibay. Ilan man ang gumamit, ilan man ang musikang tinugtog ay hindi napapagod at higit sa lahat patuloy na iniingatan ng may ari sapagkat sya ay kapaki-pakinabang at may hatid na saya sa buhay paglalakbay. Ganyan ang buhay natin..Iba-ibang gitara ang kahalintulad .. Ngunit tayo rin ang may ari ng gitara na syang dapat mangalaga nito, at tayo rin ang siyang taga tugtog ng ating musika ..Kung nasira man ang gitara ng iyong buhay ito'y dahil sayong kapabayaan.. Ang Diyos at ang ating kapwa ang taga pakinig ng ating musika..Kung ikaw ay naging inspirasyon at nagmahal ng iyong kapwa ayon sa kautusan, ang Diyos sayo'y magpapala at patuloy na ipagsasanggalang ang iyong gitara sa lahat ng uri ng pagkasira upang patuloy kang makapaghatid ng magandang tinig ng musika ng buhay.
Ikaw anong klase ang gitara ng iyong buhay?.. May tunog ka pa ba? Kung meron man, anong klaseng musika ang iyong hatid? Sa palagay mo nasisiyahan pa ba ang nakikinig sayong musika? Matibay pa ba ang iyong gitara o malapit ng malagot ang iyong mga kwerdas at tuluyan ka ng di na pakinabangan? Kung sakali man lumingon ka lang nandyan ang repair shop..Ang Dios, sayo'y naghihintay upang muli kang kumpunihin at ibalik sa ayos..Magbalik loob ka sa Kanya upang maiayos ang gitara ng iyong buhay bago ka tuluyang masira at mawalan ng saysay..




1 comment:
wow, congratulations for having your own blog. I'm one of your constant viewers.. Keep on inspiring people through your stories..
Post a Comment