Thursday, September 22, 2011

BANGUNGOT NG GISING


Isang gabing
tayo'y magkatabi
sa aki'y iyong inihabilin,
pag ika'y binangungot
ika'y aking gisingin


Subalit  ang alam ko
pag ako'y iyong katabi
hindi ka babangungutin
sapagkat kasama mo ako
sa malalim na pagkakahimbing
magkaulayaw sa ating paglalambing

Hanggang Isang araw
tila isang bangungot
ang saki'y iyong tinuran.
Puso koy ayaw maniwala
sa masakit na katotohanan

Bakit ikaw pa o aking hirang
na kasama kong naglalakbay
sa mundo ng pait at tamis
na niligis ng ating mga pawis

Nagtiis sa dusa't hilahil
ng mundong balakyot 
ngayo'y napipintong mapalaot
sa buhay na mala bangungot

Sana ako'y gisingin sa malalim
na pagkakahimbing

nang sa ganu'y malaman ko
kung ako ba'y tulog o gising

Upang mapawi ang sakit
at maiusal ang hiling
Sana'y kasihan ng Maykapal
kagalingan mo'y dinggin

ako'y gisingin.
iyong gisingin..
ang diwa kong gising
gustong gumising... 
sana ganito katahimika ang gab ko
 ·  · Share · Delete

No comments:

Post a Comment