Magdamag akong di pinatulog ng gabi.. Parang tubig sa batis na dumaloy sa aking gunita ang lahat. Isang malakas na pag iyak ng sanggol ang gumising saming magkakapatid nung umagang iyon.. Nagkukumahog kami sa pagbababa sa hagdanan, sapagkat isa lang ang ibig sabihin ng aming narinig.. nanganak na si ina. Nakita ka namin sa tabi ng ating ina, isang malusog at magandang sanggol na may malaking nunal sa pisngi..Lahat ng iyong nakaraan ay malinaw saking gunita sapagkata malaki na kami ng ikaw ay isilang.Lagi kong pinapangarap na makita ang iyong paglaki. Naiwan ka sakin nuong ikaw ay elementarya at nangibang probinsya ang ating mga magulang.. Ako ang kasama mo nung magtapos ka sa elementarya. Nasubaybayan ko ang iyong kabataan kung saan nagkaroon ka ng mga matatalik na kaibigan na minahal ka hanggang sa huling sandali..Nuong una kang nag abroad ako,si ate edith at ang kuyang ang naghatid syo sa airport. Napakabata mo pa nuon,parang disiotso anyos ka lang subalit buo ang iyong loob, labis ang aming pag aalala sa iyong paglayo,subalit sa lahat ng gusto mo kami ay nakasuporta at umalalay sayo..Pagkatapos sa Taiwan,nagpunta ka sa Israel.Tumagal ka roon sa loob ng 6 na taon kung saan 2 o tatlong beses ka yata nakauwi. Halos araw araw mokong tinatawagan sa telepono para maalis ang iyong pangungulila. Matiyaga akong nakinig at nagpayo sa lahat ng iyong problema sa abroad..Dumating ang panahon na ikaw ay umibig sa maling tao subalit andoon pa rin kami, lalo na ako upang tulungan kang maituwid ang pagkakamali..Ang lahat nga ay naibalik sa normal . Pinilit mong makalimot, bumangon at magsimulang muli.. Tuwing birthdaymo, andun kami para makipagdiwang sayo. Mula nung maliit ka binibigyan kita ng regalo kapag sumasapit ang iyong kaarawan. Talagang iba ang pagtitinginan natin, bukod sa magkapatid ,parang anak na rin kita. Nuong maliit ka ako ang gumagamot ng mga galos mo pag nadarapa ka. Ako ang ginigising mo pag may masakit sayo sa gabi.Ako ang nagtuturo sayo sa mga assignment mo sa paaralan at taga gawa ng project mo. Kung kaya't nang dumating sa atin ang isang napakasakit na pagsubok ay ako ang unang naalarma. Ginawa ko ang lahat upang maipadama ko sayo ang aking taos pusong pagmamahal.. Pinilit kong magpakatatag upang may paghugutan ka ng lakas..Sa twing gabi na tayong dalawa ay nagdarasal, damang dama ko ang takot at lungkot na isang araw ikaw ay lilisan.. Subalit ikaw ay tunay na matatag, pilit mong kinaya ang lahat.. Unti unti kitang ginayak sa hamon ng buhay. Maging handa anumang oras . Tanggapin kung ano ang kaloob ng may kapal.. At lahat nga ng iyong pighati ay natapos sa petsang ito nuong nakaraang taon. Ika - 19 ng Pebrero, 2010, ikaw nga mahal kong kapatid na Ninia ay pumanaw. Sobrang lungkot ang aking naramdaman sapagkat ako ay wala sayong piling sa oras ng iyong paglisan. Sinamahan kita ng isang taon sa iyong laban ng buhay. Subalit sa iyong pagpanaw ako ay kaalis pa lamang ng bansa..Tanging sa webcam na lang kita nakita.Na ipag pray overpa kita sa huling sandali ng iyong hininga. Nakiusap ako sa Dios na bigyan na ng kapahingahan ang iyong pagal ng katawang lupa. Ang katawang iginupo ng malupit na colon cancer. Ngayon nga ay unang taon ng iyong kamatayan, di ko mapigilan ang aking sarii sa pagluha. Isang panghihinayang sa iyong buhay na napakaagang nawala..ikaw na bunso ang nagsisimula pa lamang ng buhay na ito ang dumanas ng lahat ng pasakit.. Lagi mong sinasabi sakin na life is too short, that we must be happy and do what will make us happy dahil bukas makalawa di mo alam kung ano ang nakatakda para sayo.. Hanggang ngayon indi pa rin ako makapaniwala na wala ka na..Ngunit alam ko, kapiling mo na ang Dios sa kanyang kaharian.. kung saan doon ay napawi na ang lahat ngiyong dusa at hapis. Maging tanglaw ka nawa namin sa aming buhay at ang aming pagmamahal at panalangin ay iyo naman sanang baunin.. WE LOVE YOU NINIA... WE MISS YOU SO MUCH MAHAL KONG KAPATID..
No comments:
Post a Comment