Last night while we were having our dinner at 6:00 pm and the sun was still bright,we were all facing a big mirror window in the dining room and it rained, pero hindi ng tubig kundi ng dahon. Kasabay ng malakas na ihip ng hangin ay ang pagbagsak ng mga dilaw na dahon mula sa mga puno at sumama sila sa ikot ng hangin na parang naglalaro lamang sa ere.Kaygandang pagmasdan dahil sa Pinas wala namang fall season at tunay na kakaiba na makakita ng ganitong senaryo.Kahit na nagagandahan ang aking mga mata sa kalikasang nakikita, ewan ko ba at parang may lungkot akong nadarama... Malapit na naman ang winter kung saan uulan na naman ng yelo, at lahat ng puno ay magmimistulang patay sa mahabang panahon.Mga punong nagbibigay buhay at sigla sa kapaligiran...Naisip ko sana ganito rin ang tao, katulad ng puno. Matatag,matibay sa anumang klase ng panahon. OO nga at malalagas lahat ng dahon katulad ng tao sa panahon ng pagsubok, nauubos ang lakas, tiwala sa sarili, minsan pati pananalig sa Dios ay bumibigay,nawawala pati ang mga kaibigan, kasama na rin ang kawalan ng pag asa at pagnanais na lumaban... Sana ang tao katulad ng puno na pagkatapos malanta ,malagas at matuyo at magmistulang patay ay may kakayahan uling mabuhay,sumibol ang mga dahon,mamulaklak at mamunga.
Sana ang tao pagkatapos ng pagsubok ay makasumpong ng muling pag asa at paglaban sa buhay. Sana pagkatapos ng sakit na nramdaman ay matutong magpatawad. Sana ang taong nagkamali at nagbalik loob ay makasumpong ng kapatawaran. Sana ang taong nabigo ay lalong lumakas ang loob upang pagbutihin ang susunod na laban. Ang puno ay simbolo ng buhay,nagbibigay ng hangin at lilim, ang tao ay simbolo rin ng buhay, pwedeng magbigay ng pag ibig at kapayapaan upang mabuhay ang mga nakaugnay sa kanya. Ang puno ay kapakipakinabang,nagbibigay ng maraming produkto na kailangan ng tao tulad ng pagkain upang mabuhay.. Ang tao man ay gayon din, nagbibigay tayo ng inspirasyon at pag asa sating kapwa at sa ating mga mahal sa buhay.Ang winter season ay mistulang mga problema sa buhay na pansamantalang pumapatay sa mga puno na katulad din ng tao, subalit alam natin na may summer na darating na muling magpapasibol sa kanila,kung saan katulad ng Diyos ay muli tayong bibigyan ng lakas at pag asa upang patuloy na mabuhay, kung saan muling susulpot ang mga bagong dahon.. sariwa.. luntian at matatag ang pagkadikit sa sanga. At habang patuloy na umaasa ang puno sa panahon ng tag init, patuloy syang gaganda,magbibigay sigla ,kulay at ngiti sa kapaligiran sa kanyang pamumulaklak, ganun din ang tao kapag patuloy tayong namumuhay sa Panginoong Diyos ay patuloy na mamumukadkad ang ating buhay sa biyaya at pagmamahal.
Kaya ngayon naisip ko indi ako dapat malungkot pag fall season. Kasi iisipin ko , na sa summer sisibol ulit ang mga puno...Sabi ng Boss ko SAD daw yung nararamdaman ko meaning Season Affective Disorder. Naapektuhan ang isang tao emotionally ng pagpapalit ng panahon, pero not this time iisipin ko na lang katulad ako ng puno, anumang lungkot,problema at pagsubok ay kaya kong harapin kasi laging may summer na darating saking buhay kung saan ay kasama ko ang Diyos na magbibigay sakin ng lahat ng aking hinahangad upang ako ay patuloy na mamulaklak at mamunga.
ah ellen may talent ka talaga sa pagsulat, ipunin mo lahat who knows someday mabigyan ka ng chance na maipublish lahat ng ginawa mo na tula. nung una akala ko eh ung last leaf ay same story nung insight story natin sa english nung first year sa divina gandang ganda rin kc ako sa story nun kaya di ko malimutan.congratz ellen ipagpatuloy mo lang!
ReplyDeleteThank you Myra, I hope I can write more.. It's very inspiring too kapag may mga readers na katulad mo..God bless.
ReplyDelete