Last night while we were having our dinner at 6:00 pm and the sun was still bright,we were all facing a big mirror window in the dining room and it rained, pero hindi ng tubig kundi ng dahon. Kasabay ng malakas na ihip ng hangin ay ang pagbagsak ng mga dilaw na dahon mula sa mga puno at sumama sila sa ikot ng hangin na parang naglalaro lamang sa ere.Kaygandang pagmasdan dahil sa Pinas wala namang fall season at tunay na kakaiba na makakita ng ganitong senaryo.Kahit na nagagandahan ang aking mga mata sa kalikasang  nakikita, ewan ko ba at parang may lungkot akong nadarama... Malapit na naman ang winter kung saan uulan na naman ng yelo, at lahat ng puno ay magmimistulang patay sa mahabang panahon.Mga punong nagbibigay buhay at sigla sa kapaligiran...Naisip ko sana ganito rin ang tao, katulad ng puno. Matatag,matibay sa anumang klase ng panahon. OO nga at malalagas lahat ng dahon katulad ng tao sa panahon ng pagsubok, nauubos ang lakas, tiwala sa sarili, minsan pati pananalig sa Dios ay bumibigay,nawawala pati ang mga kaibigan, kasama na rin ang kawalan ng pag asa at pagnanais na lumaban... Sana ang tao katulad ng puno na pagkatapos malanta ,malagas at matuyo at magmistulang patay ay may kakayahan uling mabuhay,sumibol ang mga dahon,mamulaklak at mamunga.

Sana ang tao pagkatapos ng pagsubok ay makasumpong ng muling pag asa at paglaban sa buhay. Sana pagkatapos ng sakit na nramdaman ay matutong magpatawad. Sana ang taong nagkamali at nagbalik loob ay makasumpong ng kapatawaran. Sana ang taong nabigo ay lalong lumakas ang loob upang pagbutihin ang susunod na laban. Ang puno ay simbolo ng buhay,nagbibigay ng hangin at lilim, ang tao ay simbolo rin ng buhay, pwedeng magbigay ng pag ibig at kapayapaan upang mabuhay ang mga nakaugnay sa kanya. Ang puno ay kapakipakinabang,nagbibigay ng maraming produkto na kailangan ng tao tulad ng pagkain upang mabuhay.. Ang tao man ay gayon din, nagbibigay tayo ng inspirasyon at pag asa sating kapwa at sa ating mga mahal sa buhay.Ang winter season ay mistulang mga problema sa buhay na pansamantalang pumapatay sa mga puno na katulad din ng tao, subalit alam natin na may summer na darating na muling magpapasibol sa kanila,kung saan katulad ng Diyos ay muli tayong bibigyan ng lakas at pag asa upang patuloy na mabuhay, kung saan muling susulpot ang mga bagong dahon.. sariwa.. luntian at matatag ang pagkadikit sa sanga. At habang patuloy na umaasa ang puno sa panahon ng tag init, patuloy syang gaganda,magbibigay sigla ,kulay at ngiti sa kapaligiran sa kanyang pamumulaklak, ganun din ang tao kapag patuloy tayong namumuhay sa Panginoong Diyos ay patuloy na mamumukadkad ang ating buhay sa biyaya at pagmamahal.

Kaya ngayon naisip ko indi ako dapat malungkot pag fall season. Kasi iisipin ko , na sa summer sisibol ulit ang mga puno...Sabi ng Boss ko SAD daw yung nararamdaman ko meaning Season Affective Disorder. Naapektuhan ang isang tao emotionally ng pagpapalit ng panahon, pero not this time iisipin ko na lang katulad ako ng puno, anumang lungkot,problema at pagsubok ay kaya kong harapin kasi laging may summer na darating saking buhay kung saan ay kasama ko ang Diyos na magbibigay sakin ng lahat ng aking hinahangad upang ako ay patuloy na mamulaklak at mamunga.

 ·  · Share · Delete

    • Allan Dela Cruz The last leaf clings to the bough, just one leaf that is all there is now, And my last hope the leaf with lonely leaf lonely leaf with the last hope that clings to the bough......... lagyan ko ng back ground music ......
      September 24, 2010 at 12:02pm · 

    • Ellen PadreJuan DelaCruz thanks sa kanta mo kaya lang walang gitara haha!! emote emote lang,matagal nakong di nakapag sulat. Naisipan lang ulit kanina..
      September 24, 2010 at 12:32pm · 

    • Anecito Fabito sis,kailan exam namin sa sinulat mo?galing naman ng binanat mo,pwede kang isabay sa sumulat ng florante at laura...lahat daw nangyayari sa buhay natin,kahit ang paglaglag ng dahon ay may dahilan...
      September 24, 2010 at 3:27pm · 

    • Ellen PadreJuan DelaCruz hahaha,!!! thanks Bro.frustrated writer po ako,ang dami kong gustong isulat wala lang time, pang 4 na to, wala lang ..mailabas man lang ang feelings. Wag naman florante at Laura, sobrang tagal na nun haha!!
      September 24, 2010 at 3:31pm · 

    • Anecito Fabito ayos yan sis isulat mo lahat ng naiisip mo...pagkatapos,heto address ko 325 raritan ave highland park nj,u.s.a. ipadala mo sakin...hahahahaha
      September 24, 2010 at 3:36pm · 

    • Anecito Fabito pero sis walang halong bola,galing mo palang magsulat...
      September 24, 2010 at 3:40pm · 

    • Ellen PadreJuan DelaCruz thanks bro, pag nag post ka ulit ng video mo ,ako naman bobola syo haha!!
      September 24, 2010 at 5:02pm · 

    • Jocelyn Calingacion Wee nice!
      September 24, 2010 at 6:31pm · 

    • Cille Ramos ‎@te ellen nk2touch at nk2inspire.,..s taong hopeles biglang me nbuong pangarap at pag-asa buhay ang galing!...bravo!
      September 24, 2010 at 10:57pm via Facebook Mobile ·  ·  1 person

    • Ellen PadreJuan DelaCruz ‎@jocelyn,thanks my dear!!!
      @cille, thank u darling, naisipan ko lang yan kasi malaki epekto talaga sakin ng winter,spring,summer at fall dito.hehe!! pang 4 ko ng note yan.

      September 24, 2010 at 11:18pm · 

    • Enrico Mendoza What a beautiful story.im so touch.you are a great writer.godbless u
      September 25, 2010 at 3:56am ·  ·  1 person

    • Rosemarie Soliman Gravador ellen alam mo sobra ako ntouch s sinulat mo tama lahat at true happen 2 my life,kaya eto naiyak ako talagang ang diyos d tyo pbabayaan pag talagang down n tyo nkasubaybay lng siya tinitingnan nya kung kaya ntin lagpasan mga problema sa buhay,bsta may faith tyo sa kanya talagang d tyo iiwan.............................
      September 25, 2010 at 6:38am ·  ·  1 person

    • Ellen PadreJuan DelaCruz ‎@rose, God is good and merciful all the time.
      September 25, 2010 at 6:54am ·  ·  1 person

    • Rosemarie Soliman Gravador tama ka dyan ellen kaya strong tayo sa lahat ng pagsubok sa buhay...............cge ingat llng ha.miss u..........
      September 25, 2010 at 7:01am ·  ·  1 person

    • Solly Young ang ganda naman ng sinulat u may nakanti sa buhay ko sana nga ang tao parang puno pra lalong tumibay sa mga pagsubok
      September 25, 2010 at 7:31am · 

    • Ellen PadreJuan DelaCruz ‎@solly,thanks,just hold on...God is in control.
      September 25, 2010 at 7:36am · 

    • Ellen PadreJuan DelaCruz ‎@ rico,thanks best friend..kasama na sa story ko ang prayer ko para sa ikatatag nating lahat against all trials. Pag nakakit tayo ulit ng puno sana may hatid itong pag asa para satin.hahaha emote na naman!!!
      September 25, 2010 at 11:31am · 

    • Arvie Mendoza very nice!! lahat may chance pa magbago, wag natin antayin maubos lahat ng dahon at baka hindi na tumubo ang puno....
      September 25, 2010 at 2:29pm · 

    • Reyes Edith I can feel now what you feel during that time......
      September 25, 2010 at 8:17pm · 

    • Ellen PadreJuan DelaCruz ‎@ arvie kaya nga the lastl leaf, meron pang isang dahon na ayaw bumitaw na pdeng pagsimulan ng pagbabago at pag asa.
      @ edith, hahaha lalo na pagwinter na,maalala mo itong story ko...

      September 25, 2010 at 11:17pm · 

    • Corazon Ongpauco Castillo mars, you feel bad kasi inspite ng magandang mong nakikita, you still fell empty. bec. di mo sila ma apreciate kasi malayo ka sa family mo.. but at the nend para ka pa ding ouno.. lumalaban.
      September 26, 2010 at 12:54am · 

    • Liway Mejia mare, ok yang sinulat mo pwede ka talgang maging writer.
      September 26, 2010 at 1:19am · 

    • Jacob Heridera Viloria 
      napakagandang mensahe naman yan...ika there will be sunshine after the rain..ganun talaga ang buhay....tunay nga maging matatag ang ating panalig sa maykapal...sya lamang at wala ng iba...bagay sa akin kase ako nature lover ako...i love gre...See More

      September 26, 2010 at 1:33am ·  ·  2 people

    • Ellen PadreJuan DelaCruz ‎@Mareng Cora, exactly mare, family is the no. 1 factor that makes us happy.With out them,kahit maganda lahat nakikita mo di ka pa rin masaya kc di mo cla kasama.Pero darating din yung time na magkakasama sama rin kami dito like in my story ,there will be summer after long winter.
      @ Dan,thanks.. we have the same opinions..God bless you too.
      @ Liway,pag may pumasok lang sa isipan mars dinadaan sa kwento..

      September 26, 2010 at 5:03am · 

    • Bheng Vispo Tuazon <<ate nkk-touch nman!!!sna nga lalo p tyo tumatag s mga pagsubok stin ng diyos!!! god bless you!!
      September 26, 2010 at 5:12am ·  ·  1 person

    • Serafin Linsangan npkgnda ng note u touching nkkaiyak
      September 26, 2010 at 5:12am ·  ·  1 person

    • Kathryn Mallare Dungao Isang napakagandang mensahe nitu ate ellen,sobrang nakaka inspired,na sa buhay dapat never kng mawalan ng hope at syempre ang faith kay god.Always keep the faith......godbless us......
      September 26, 2010 at 8:34am ·  ·  1 person

    • Marisa Soriano Cabahug 
      mars homesick yan,,,thats the meaning of bayani ng bayan,,,the price we have to pay in exchange of greener pastures,,,,dnt worry ur not alone,,,were still lucky kasi maganda ang kinalalagyan ntin,,,think of those who worked abroad and comin...See More

      September 26, 2010 at 9:07am ·  ·  4 people

    • Shiela P. Kainuma Nkktouch nman po...
      September 26, 2010 at 8:54pm ·  ·  1 person

    • Parroquia Divina Pastora wow galing naman.
      September 29, 2010 at 9:12pm · 

    • Ellen PadreJuan DelaCruz salamat po sa mga patuloy na nagla like ng aking note,the last leaf,sana nga maging kasing tatag ako ng isang matibay na puno sa sobrang lakas ng bagyong pinagdaanan namin ngayon, this note will always remind me on how to struggle and survive against all kinds of storm in life.
      October 14, 2010 at 2:02am · 

    • Rowena Guanio YEAH .... NAKAKA INSPIRE ...... PWEDENG ULIT ULITIN ,,,,,,MAGSISILBING PAMPALAKAS AT PAMPABUHAY SA NANGHIHINANG KALULUWA.
      October 14, 2010 at 2:35am ·  ·  1 person

    • Gregg Esquivel wow ang galeng... gawa mo ba ito? baka pwede natin itong i-share sa dyaryo, with your permission of course?
      November 30, 2010 at 2:15am · 

    • Ellen PadreJuan DelaCruz ‎@ greg, really? ikaw naman baka naman nakakhiyang i post yan sa dyaryo mo..but if you find it interesting and inspiring i give you my permission po.
      November 30, 2010 at 2:21am · 

    • Gregg Esquivel can i quote your name too? pls advise...
      November 30, 2010 at 2:22am · 

    • Ellen PadreJuan DelaCruz greg, di nga? baka naman joke mo lang ako hehe! Madami pang dapat i edit jan hahaha!!
      November 30, 2010 at 2:24am · 

    • Gregg Esquivel mas maganda e copy-paste na lang para orig... OK ba? sa ABANTE MIDDLE EAST EDITION... ano sa palagay mo?
      November 30, 2010 at 2:27am · 

    • Ellen PadreJuan DelaCruz ahaha! ikaw na nga bahala!! you're the boss.. ikaw ang higit na nakakaalam ng dapat ipublish at indi,kaya lang bigyan moko ng copy ha? hehehe!!
      November 30, 2010 at 2:31am · 

    • Gregg Esquivel ok fine.. sige will let you know soon!
      November 30, 2010 at 2:31am ·  ·  1 person

    • Rommel Punzalan Bondoc 
      katulad ng puno, ang buhay natin ay isang simpleng pagtuwad at pagliyad. katulad ng fall, ang buhay natin madalas keysa ewan, nadudupilas.natutuwad. nakakabagabag.


      katulad ng mga puno ay buhay nang tao ay may hatid na tibay. may dalang pag-...See More

      December 8, 2010 at 11:55pm ·  ·  1 person

    • Ellen PadreJuan DelaCruz superlike rommel!!
      December 8, 2010 at 11:57pm · 

    • Rommel Punzalan Bondoc continue mo lang ate ellen ginagawa mo.. sarap magsulat lalu na may nagbabasa at nagcocomment keber na positive o negative man yan hehehe diba?
      December 9, 2010 at 12:00am ·  ·  1 person

  • a