Tuesday, July 5, 2011

ANG KATAPUSAN NG LABAN

March 2009 ng malaman namin ang malagim na balita na ang aking kapatid na si Ninia ay may colon cancer. Isang nakakatakot na sakit na alam kong wala kaming kalaban laban. Parang suntok sa buwan ang ginawa naming desisyon na sa kabila ng kanyang malalang kalagayan ay gastusan sya ng malaking halaga para sa ikadurugtong ng kanyang buhay. Subalit ang colon cancer na syang akala namin na nag iisang kalaban ay may kakampi palang ovarian cancer at urinary bladder cancer. Nakakalat na pala ang sakit sa halos lahat ng kanyang internal organs. Talo na kami sa umpisa pa lang ng laban , pero hindi kami sumuko. Tulong tulong naming binata ang hirap at sakit ng kalooban  maipaglaban lamang ang buhay ng aking kapatid laban sa malupit na cancer .Ang unang taning ay tatlo hanggang apat na buwan, nakakalungkot na napakaikling panahon na lamang ang kanyang itatagal. Subalit ang DIOs ay likas na mabuti, itinuro nya samin ang dapat gawin upang kahit papaano ay mapahaba pa ng kaunti ang buhay ng aking kapatid na si Ninia. Ipinadaala sa amin ng DIOS ang napakababait na mga kaibigan, mga kamag anak, mga kakilala at kahit hindi mga kakilalang tao ay kataka takang nagkaroon kami ng mga ugnayan at daan upang ang biyaya ng DiOS ay patuloy na dumaloy. Tinulungan kami ng mga pamilya Taruc upang makahingi ng malaking tulong sa PCSO, tinulungan kami ng mga doctor upang maging magaan ang lahat ng gamutan. Damang dama ko ang simpatiya nila Dr. Gavino at Dra Zamora sa simula pa lamang ng laban. Unti unti ay nakakita kami ng pag asa, lalo na nang ang milyon milyong halaga ng gamutan ay ipagkaloob samin ng maluwag ni Dr. Cruz. Nakapagtataka talaga kung saan kami humugot ng lakas, kung saan kami kumuha ng halos 2 million para sa kayang gamutan. Isang di pang karaniwang bagay na dumadating ang ibat ibang grupo ng mga relihiyon para sa iisang layunin, iyon ay ang ipagdasal ang kagalingan ni Ninia at pati na din ang kagalingang ispiritwal ng bawat miyenmbro ng aming pamilya. Kumalat ang balita sa ibat ibang dako ng daigdig na si Ninia ay nakikipaglaban sa sakit na cancer. Dumating ang mga tulong mula sa abroad sa mga oras na di namin inaasahan. Madalas ko ngang sabihin na parang magic ang lahat ,na sa isang kumpas ng kamay ng Dios ang pinansyal naming pangangailangan ay biglang nagkakaroon ng kasagutan. Tanging lakas ng loob at panalangin ang aking sandata upang di kami matalo sa unang yugto ng laban. Dumating ang sandali na ang cancer nya ay nagdagdag pa ng kakampi at idinamay ang kanyang atay. Dito ay nakaramdam ako ng pagsuko sapagkat ang atay ay napakaselan na parte ng katawn na tinalo kahit ang isa sa  pinamayamang tao sa bansa na si Cory Aquino. Lubos ang aking panghihina alam ko na wala na kaming magagawa. Subalit isang himala ang nangyari pagkatapos kaming yayain ni nanay Conching na magsimba sa Baluarte sa kapistahan ni Apong San Roque ang mga bukol ng atay ay himalang naglaho. Duon ako nakasumpong ng sobra at napakalaking paghanga sa Dios, na sa kanya ay wala talagang imposible. Dahil duon ay patuloy kaming nangarap na lubusan syang gagaling, sapagkat sa Dios ang lahat ay may kagalingan. Hanggang ang apat na buwang taning ay malagpasan at umabot pa sya ng isang taon. Isang taong puno ng pagsubok  subalit pinatatag kami ng pagmamahalan at pagkakaisa ng aming buong angkan..Abot ang aking hiling sa Dios na sana ay maipagdiwang pa namin ang lahat ng okasyon ng kapiling syang masaya at lahat naman ay kanyang pinagbigyan. Dumating ang pagkakaton na dapat ko syang iwan upang magtrabaho ako dito sa Canada. Isang masakit na desisyon ang aking ginawa dahil alam kong sa aking pag alis ay di na kami muli pang magkikita. Alam ko na hanggang dito na lamang ang kanyang buhay. Sapagkat pinakiusap ko lang sya sa Amang Dios  na kahit isang taon man lang ay ipahiram sya samin upang maipadama naming magkakapatid ang taos pusong pagmamahal kasama ng aming mga magulang. Maswerte ang aking kapatid nakita nya kung gano karami ang nagmamahal sa kanyang mga kaibigan, mga kamag aral, mga kamag anak, mga kapitbahay dito man o sa abroad. Maswerte sya at may isang Fr. Onet na gumabay sa kanya spiritually habang sya ay nasa laban ng buhay, maswerte sya at naigayak nya ang kanyang sarili sa pagpunta sa kabilang buhay na doon ay mapapawi ang lahat ng hirap at hapis na dinulot ng kalabang sakit. 

Ito na nga ang katapusan ng laban , natalo man ang kanyang katawang lupa, kami pa rin ay tagumpay sapagkat kasama namin ang Dios at hanggang sa huling sandali ay ramdam namin ang kanyang pagmamahal sa pamamagitan nyong lahat na walang sawang sumama at sumuporta sa aming laban. Ako po si ellen dela cruz ay pinaabot sa inyo ang taos pusong pasasalamat sa lahat ng inyong pagdamay kay Ninia sa kanyang buhay at kamatayan. Tanging sa Dios lamang ang lahat ay patungo sa buhay na ito, anumang laban ay kakayanin natin, gano man kasakit, sapagkat ang tao ay nilikha hindi para sa buhay na ito kundi sa buhay na walng hanggan sa piling ng ating Dios AMA.

Sa iyo aking kapatid baunin mo ang aking taos pusong pagmamahal, patuloy kang lalagi sa aking puso at ang iyong katapangan sa pagharap sa buhay na ito ay aking magiging inspirasyon upang huwag matakot sa anumang uri ng laban ng buhay.

 
 ·  · Share · Delete

  • You, Jocelyn Calingacion WeeLilibeth Bautista Genuino and 2 others like this.

    Divina Lilia Manahan Mabuhay ka, Ellen at ang iyong buong pamilya sa pagbibigay pugay sa Poong Maykapal sa kabila ng napakalaking pagsubok na inyong hinarap... Tunay ngang napakabuti ng Panginoon sa dami ng kanyang mga biyayang ibinibigay nya sa atin sa araw-araw. patuloy sana niyang basbasan at gabayan ka at ng iyong pamilya sa muli niyong pagbangon mula sa bangungot na inyong naranasan...Tanggapin din ninyo ang patuloy na pagmamahal at pagsuporta ng aking pamilya para sa inyo.57 minutes ago

    • Olet Dela Cruz-Guiling Ate Ellen, bilib ako, sa inyo, alam mo sa pamamagitan nga pagsusulat mo .maraming tao ang nabibigayn niyo ng pag asang lumaban.... sa aming pamilya. pinahahatid namin ang lubos na paghanga at pakikiramay sa inyo!
      February 23, 2010 at 4:01pm · 

    • Leah Simbulan Alacon 
      ellen i like ur being strong u mke me realize that life is beautiful inspite of trials, we need 2 be strong,wag kang mg alala s nkita qng burol at libing ni ninia all members of ur family did the best 4 her,they loved her so much ktang kta ...See More

      February 23, 2010 at 4:11pm · 

    • Odie Santiago Palam Ninia,



      Alalahanin mo rin kami sa piling ng Ama, kami na nagpapatuloy na lumalaban pa!

      February 23, 2010 at 5:01pm · 

    • Julfa Simbulan de Luna Naiyak ako gang binabasa ko mga sinulat mo at napahanga mo ako s tatag at tapang nang loob mo bhira ang katulad mo.ako khit kelan s namatayan umaambag lang pero ke ninia dko nagawa nakipaglamay ako at naglakad lang s paglilibing.nakatapos na sya nang kanyang takbuhin pero tau kasalukuyan palang naglalakbay.ellen palagi kana lang magiingat dyn.
      February 24, 2010 at 12:25am · 

    • Lilibeth Bautista Genuino Sis,censya na nung libing na lang nakrating,nung marinig ko boses mo,di ko na napigilan umiyak,di nako nagpakita sayo sa webcam...i know how it feels,losing our loved ones ay isa sa pinakamasakit na realidad ng buhay..3 years na sina sanse sa march 9,at katulad ni Nina nakauwi na sila sa kanilang mga "tunay na tahanan"...God bless their souls..ingat ka dyan!
      February 24, 2010 at 5:27am · 

    • Carol Padrejuan rest in peace ate Ninia
      February 27, 2010 at 6:19pm · 

    • Alan Orpilla condolence my friend... may our dear Lord give you strength... call upon the name of the Lord, surrender everything to Him, and let His will be done in your life. God bless you always!
      March 2, 2010 at 11:10pm · 

AMAZING GRACE Part 1( March 21,2010 )

Masarap mangarap na mag trabaho sa ibang bansa lalo na dito sa Canada.Pangarap makakita ng snow,makatanggap ng malaking sweldo,makahalubilo ang mga puti at makakita ng kakaibang kapaligiran.Ang lahat ay dininig ng Dios para sa aking pangarap.Sa unang araw ng aking pagdating, andun ang excitement,di makapaniwala na daang libong milya na ang layo ko sa aking lupang sinilangan.Kahit na umuusok ang hininga sa sobrang lamig ay masaya pa din sa umpisa ng katuparan ng pangarap.Dumaan ang mga araw,unti unting nakikita ang kahalagahan ng pamilya, ang sarap nang mabuhay sa sariling bayan,wala naman akong problema subalit andun ang lungkot sa aking puso kapag akoy nag iisa na.Salamat sa internet at may webcam na nagagamit,salamat sa facebook kung saan andun ang mga kaibigan at kamag anak na nakakachat,salamat sa mga pictures na nakikita sa fb na para bagang andun ka din ng mangyari yun. Umabot ang 2 buwan at kalahati sa ganung takbo ng aking buhay.Trabaho sa araw,internet sa buong magdamag lalo na sa mga gabing indi makatulog.Isang umaga ako'y nakatanggap ng isang sorpresa para sa aking kaarawan.Ang aking boss na binigay ng Dios na sobrang bait ay binigyan ako ng round trip ticket para makauwi sa Pilipinas at magbakasyon sa loob ng 3 linggo. Isang di kapanipaniwalang bagay ang regalo ng Dios sa akin na napakaaga kong makakabalik sa pinanabikang bayan. Saan ka naman nakakita ng nagtrabaho sa Canada ng dalawang buwan pa lamang ay meron na agad libreng bakasyon at with pay pa..Lubos ang aking pasasalamat sa grasya ng Dios, talagang super galing ni Lord. Yung imposible nagiging posible sa kanya. Kaya nga minsan hindi tayo dapat malungkot dahil madaming sorpresa ang Dios para satin kahit mahirap paniwalaan pwedeng mangyari kapag naayon sa kalooban ng Dios .Natapos ang aking bakasyon na andun ang saya at muli kong nakasama ang aking pinakamamahal na pamilya ,mga kaibigan at mga kasamahan sa trabaho at sa simbahan. Nakadalo sa maraming pagtitipon at masasayang okasyon, higit sa lahat nakapunta sa simbahang pinaglilingkuran. Ngayong andito nakong muli, ang lahat ay kakayanin dahil alam kong marami pang sorpresa ang ibibgay sakin ng Dios. Thank you Lord for this amazing grace..
 ·  · Share · Delete

    • Angelo Divina Manahan isang nakakapanindig balahibong karanasan na nanggaling sa walang sawang namamatnubay na Panginoon at walang sawang nagbibigay ng biyaya sa ating lahat. Salamat, Panginoon...
      April 25, 2010 at 11:18am · 

    • Ellen PadreJuan DelaCruz yes,that's true,have you seen our pictures??di ko na upload yung wake ni ninia kasi malulungkot lang ako pag nakita ko dito yun.It's time for us to move on after her 40th death day
      April 25, 2010 at 8:16pm · 

    • Odie Santiago There's no chance/coincidence in God. Everything is according to His plan for His people but it requires deep faith: a different eye, a different heart, a different mind that believes and hopes and sees. God blessed you with that faith and He will richly bless you and your family even more, not the blessings or the "suwerte" that common tao always think of.Brace yourself for more surprises!
      April 25, 2010 at 11:18pm · 

    • Ellen PadreJuan DelaCruz 
      kanina alam mo ba kung saang church ako napunta,hinayaan ko lang na i guide ako ni Lord,its the south view christian alliance church,kasi si aurea busy kahit wk end and no one will drive me to catholic church and my boss invited me to join with them this morning and to my surprised they have the same pattern with Couples for Christ's praise and worship and same with the talk we had which is faith and marriage.Same feeling as my heart was overwhelming in praising God especially through glory songs.It's God's will na makapunta ko dun kasi lam nya na isa ito sa hinahanap ng aking puso.

      April 25, 2010 at 11:33pm · 

    • Imelda Rueda alam u marami talagang ways c LORD pra malaman ntn n andyan lng sya.bsta always pray!
      July 18, 2010 at 4:02am · 

    • Ellen PadreJuan DelaCruz thanks,so glad to see you here in FB
      July 18, 2010 at 4:05am · 

    • Ghraze Bucad gnda amn poe nyn!xufer love nio poe tlga c god...... ingat nlng poe qeu prti!
      August 7, 2010 at 1:41am · 

    • Ellen PadreJuan DelaCruz thank u grace,sana lahat ng tinuro ko syo sa school at sa simbahan ay patuloy mong palaguin sa iyong paglaki.
      August 7, 2010 at 2:03am ·